Concert rally laban sa mag-amang Duterte,ilulunsad ng CCGG

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,834 total reads

Umapela ng pananagutan sa pamahalaan ang Clergy and Citizens for Good Governance (CCGG) sa mga posibilidad ng malawakang korapsyon ng mga nakaupong lider ng Pilipinas.

Ito ang pangunahing apela ng CCGG at mga kasaping organasisyan sa January 31 sa idadaos na concert rally na “boses” ng Pilipino, Konsiyerto ng Bayan!’.

Ayon kay Running Priest Father Robert Reyes ng CCGG, ipapanawagan sa pagkilos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na pananagutin si Vice-president Sara Duterte sa mga hindi masagot na pinaggastusan ng pondo ng bayan at Pangulong Rodrigo Duterte sa madugong War on Drugs.

“1986 nagkaroon ng pagbabago at binubura na nga po ito, kaya this coming February wala pong selebrasyon kaya hindi tayo papayag, kaya siguro dapat lang talaga ito yung ating pagtitipon, kasi hindi dapat burahin yung kasaysayan, hindi dapat ipagwalang bahala ang kasamaan, ang EDSA became a Shrine because Cardinal Sin Would not want us to forget the evils of Martial Law, the evils of dictatorship,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Reyes.

Ilan sa mga apela ng CCGG ang pagsunod sa General Appropriations Act para sa 2025 National Budget, isulong sa kongreso ang Anti-Political Dynasty Law, full transparency o katotohanan sa paggastos ng kaban ng bayan, pagbuwag sa confidential funds at imbestigasyon sa mga benepisyaryo ng Ayuda sa Kapos ang Kita o AKAP Program.

Kasama din sa mga apela ang impeachment ni Sara Duterte at pagtatanggal sa posisyon sa mga mapapatunayang tiwaling opisyal, ipakilala ang dalawang benepisyaryo na nakatanggang ng 125-million pesos na confidential fund mula sa Office of the Vice President, kooperasyon sa International Criminal Court at paghahain ni Pangulong Marcos ng kaso laban sa mga krimen na nagawa ng mga Duterte sa bayan.

“Nanawagan po tayo sa bayan na makiisa at pananagutin ang ating pamahalaan dahil kaugnay sa mga korapsyon at krimen na nagaganapa sa ating kapaligiran at bilang mga Pilipino, Interes natin na itaguyod at magkaisa tayo na mag-demand ng accountability sa ating pamahalaan ” ayon sa mensahe ni Former Department of Finance Undersecretary at University of the Philippines College of Economics Associate Proffesor Cielo Magno.

Magsisimula ang Concert Rally sa January 31 simula alas-dos ng hapong hanggang alas-otso ng gabi kung saan aabot sa 20-personalidad ang maguusap na sasamahan ng ibat-ibang pagtatanghal mula sa mga dadalong artist.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 5,841 total reads

 5,841 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 87,800 total reads

 87,800 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 189,527 total reads

 189,527 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 226,315 total reads

 226,315 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 256,719 total reads

 256,719 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 25,501 total reads

 25,501 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »
Scroll to Top