Filipino songwriters at composers, inaanyayahan sa liturgical songwriting competition

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,478 total views

Inaanyayahan ng media arm ng Philippine Province of the Society of Jesus ang mga Filipino composers at songwriters na makilahok sa liturgical songwriting competition bilang pagpupugay sa Ama ng Musikang Pangliturhiya ng Pilipino.

Ito ang Purihi’t Pasalamatan: The Fr. Eduardo Hontiveros, SJ National Liturgical Music Songwriting Competition ng Jesuit Music Ministry (JMM), ang music division ng Jesuit Communications Foundation (JesCom).

Ayon kay JMM Director Lester Mendiola, layunin ng paligsahan na ipalaganap ang pagkamalikhain at pagtutulungan habang pinangangalagaan ang diwa ng pananampalatayang Pilipino.

Paliwanag ni Mendiola na hinihikayat nito ang bagong henerasyon ng mga kompositor upang lumikha ng “original liturgical music” sa iba’t ibang diyalekto, na mag-uugnay sa pagitan ng pananampalataya at kultura.

“With this competition, we would like to encourage composers to create original liturgical songs in the vernacular, promote Filipino sacred music as a significant part of worship and cultural heritage, and foster collaboration among composers, musicians, and choirs to enrich the liturgical music community,” ayon kay Mendiola.

Samantala, binigyang-diin ni JesCom Executive Director Fr. Nono Alfonso, SJ, ang napakahalagang kontribusyon ni Fr. Hontiveros, na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng kanyang mga awitin.

Ayon kay Fr. Alfonso, kasunod ng panawagan ng Second Vatican Council para sa liturgical inculturation o pag-aangkop ng liturhiya sa kultura, sinimulang likhain ni Fr. Hontiveros ang mga awitin para sa Misa sa Tagalog.

Kabilang sa kanyang tanyag na mga komposisyon ang Pananagutan, Ama Namin, Magnificat, at Papuri sa Diyos—mga awiting naging pundasyon ng pananampalatayang Pilipino.

“When you sing, you pray to God twice…So, with Fr. Hontiveros creating many music in the native tongue, ‘yung mga Pinoy, parang nakakausap niya na ang Diyos… So, what he [Fr. Hontiveros] has done was very revolutionary,” ayon kay Fr. Alfonso.

Samantala, bukas ang paligsahan sa lahat ng Filipino composers at songwriters, kung saan ang tema ng mga awitin ay dapat nakabatay sa “Catholic Social Teachings of the Church”.

Ang mga magwawagi ay maaaring makatanggap ng ₱100,000 para sa first prize, ₱50,000 para sa second prize, at ₱30,000 para sa third prize, habang ang lahat naman ng finalists ay makatatanggap ng tig-₱10,000 bawat isa.

Itinakda naman ang deadline ng song entries sa April 19, 2025, at iaanunsyo ang finalists sa June 20, 2025.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang Jesuit Music Ministry facebook page (facebook.com/jesuitmusicministry) o ang Jesuit Communications website (jescom.ph).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 51,165 total views

 51,165 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 73,170 total views

 73,170 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 97,512 total views

 97,512 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 120,647 total views

 120,647 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 152,488 total views

 152,488 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top