Principle of “subjudice”, iginagalang ng simbahan sa reklamong sexual offenses laban sa mga Pari at Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,934 total views

Nilinaw ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Office on the Protection of Minors and Vulnerable Persons na kukmikilos ang simbahan laban sa mga paring sangkot sa katiwalian lalo na sa usapin ng sexual abuse sa kabataan at mahihinang sektor ng lipunan.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, Vice Chairperson ng tanggapan iginagalang nito ang proseso ng korte na kasalukuyang nagsasagawa ng pagdinig sa kaso ng mga paring sangkot sa pang-aabuso at hinihintay ang resulta ng imbestigasyon bago maisapubliko.

“Kaya hindi tayo (simbahan) masyado palaging nag-update on that matter kasi some of the cases that we have right now in the Philippines are still ongoing yung investigation sa korte at may principle ng subjudice na hindi pa pwede pag-usapan unless na ang public interest would require it,” pahayag ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas.

Iginiit ng obispo na kapag natapos na ang imbestigasyon at may hatol ang korte laban sa pari ay agad itong isapubliko ng simbahan para sa kabatiran ng nasasakupan.

Sinabi ni Bishop Alminaza na sinusunod din ng simbahan ang victims first policy kung saan tinutulungan ang mga biktima ng pang-aabuso ng mga pastol ng simbahan para sa kanilang pangangailangan at makamit ang katarungan.

“Victims first policy naman ang ating simbahan kaya lang we have to also find a way how to do it in reaching out sa pagtulong sa mga victims dahil nga that can also be misinterpreted na bina-bribe o sina-silence natin ang mga victims na hindi magpatuloy sa complaints,” dagdag ng opisyal.

Nanindigan ang opisyal na bagamat may ibang mga biktima ang hindi nagpapatuloy sa pagsampa ng reklamo ay pinag-aaralan ng simbahan ang kaso at nagkakaroon ng imbestigasyon na kung mapapatunayang guilty ang isang pari ay papatawan ito ng parusa alinsunod sa isinasaad ng canon law at kung inosente naman sa reklamo ay magkakaroon ng reparation para sa nasirang reputasyon.

Ayon pa kay Bishop Alminaza “Kahit yung processes to coordinate, to cooperate with the civil government or Philippine courts para mag-inquire ng procedure at guidance sa Philippine laws careful din kami kasi that can even be also misinterpreted as parang we are trying to broker or parang mag-influence ng mga desisyon using the weight of our authority in favor of the priest.”

Sa ginanap na “Zero Tolerance” summit ng Ending Clergy Abuse at sa ulat ng US-based watchdog BishopAccountability.org nasa 82 pari at religious brothers sa Pilipinas ang sangkot sa mga pang-aabuso kung saan ilan sa nasa listahan ay pumanaw na.

Humingi ng paumanhin at pang-unawa si Bishop Alminaza sa mga biktima ng pang-aabuso at hinimok ang mamamayan magtulungang idulog sa mga nararapat na tanggapan ang mga pang-aabusong kinasasangkutan ng mga pari at iba pang lingkod ng simbahan dahil ito ay bahagi ng tungkulin at pananagutan bilang mga pastol ng simbahang katolika.

“Sama-sama tayo to keep the church safe for everybody and we are all committed to protect everyone, kung meron kayong nalalaman, meron kayong dapat i-complain, lapit lang kayo kasi obligated kami bawat diocese to really accept all this. And kami mismo na mga obispo, pwede kaming subject for penalty or neglect of our duty kung we will not do as we are required to do,” giit ni Bishop Alminaza.

Ibinahagi rin ng obispo na kabilang sa formation ng mga seminarista at mga pari ang safeguarding laban sa mga pang-aabuso sa kabataan at kababaihan kaya’t magkakaroon ng malawakang pagtitipon sa Oktubre ng kasalukuyang taon sa inisyatibo ng CBCP Office for the Protection of Minors and Vulnerable Persons kung saan inaasahang dadalo ang mga obispo ng Pilipinas at mga mapipiling kinatawan ng bawat diyosesis na mangangasiwa sa kani-kanilang safeguarding office.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 56,933 total views

 56,933 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 181,344 total views

 181,344 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 223,369 total views

 223,369 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 300,600 total views

 300,600 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top