Obispo ng Gumaca, pinuna ang mga sira-sirang lansangan sa Quezon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,398 total reads

Hinamon ni Gumaca Bishop Eugenius Cañete, MJ ang pamahalaan, mamamayan, at Simbahan na magkaisa para sa pagkakaroon ng makatarungan at tunay na pagbabago sa lipunan.

Kaugnay ito sa inilabas na liham ng diyosesis bilang panawagan para sa maayos na mga pangunahing lansangan sa lalawigan ng Quezon.

Ayon kay Bishop Cañete, matagal nang suliranin ng lalawigan ang mga sira-sira at baku-bakong lansangan na nakaaapekto na sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mamamayan.

“Bilang isang sambayanan, naglalahad kami ngayon ng bukas na liham sapagkat malinaw na hindi napapakinggan ang hinaing ng mga mamamayan sa social media. Pang-araw-araw nang viral sa Facebook ang mga reklamong may kasama pang larawan at video ng mga sira-sirang daan, heavy traffic, mga nabubulok na produkto, at mga aksidente,” pahayag ni Bishop Cañete.

Ibinahagi ng obispo na noong nakaraang taon, marami ang nagpasiyang hindi na umuwi sa mga probinsya dahil sa takot na maulit ang mga karanasan sa pagdaan sa mga highway ng Quezon.

Bagamat may mga pagsasaayos na isinasagawa ang pamahalaan, sinabi ni Bishop Cañete na ang mga ito’y pansamantala lamang at panakip-butas, kaya’t kalauna’y nagdudulot muli ng abala sa publiko.

Ipinahayag din ng obispo, kasama ang mga pari at layko ng diyosesis, ang kanilang pagkadismaya sa karaniwang tugon ng mga kinauukulan, partikular ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Ang karaniwang tugon na aming nakukuha mula sa kanila ay: “Walang budget.” “Hindi sakop ng kanilang opisina ang maintenance and repair ng partikular na bahagi ng Quezon highway.” “Wala silang kakayanang ayusin ang sira-sirang highway.” Hindi namin maiwasang magtanong, “Bakit, sa pangkalahatan, higit na malalapad, makikinis, at kaaya-ayang maglakbay sa mga highway ng ibang lalawigan ng CALABARZON?,” ayon kay Bishop Cañete.

Para kay Bishop Cañete, ang sira-sirang lansangan ay hindi lamang usapin ng imprastraktura kundi sumasalamin ng mas malalim na suliranin sa pulitika sa bansa.

Iginiit ng obispo na dahil sa mga pansariling kapakanan ng mga nasa kapangyarihan, naisasantabi na ang kanilang tunay na gampanin—ang pagiging tapat sa paglilingkod at ang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng nakararami.

“Ginagamit nila ang yaman ng bayan para makapanatili sa kapangyarihan habang kinakaligtaan ang pangkalahatang kabutihan, lalo na ng mga higit na nangangailangan,” saad ng obispo.

Gayunman, naniniwala si Bishop Cañete na mayroong mga tapat at mabubuting lingkod-bayan na makikinig sa panawagan ng mamamayan at handang makipagtulungan upang matugunan ang mga suliranin ng lipunan.

“Pinanghahawakan namin ang likas na kabutihan at malasakit ng mga taong nasa gobyerno. Umaasa din kami na marami ang handang makipagtulungan upang isulong ang mabuti at pigilan ang lumalaganap na sistema ng kurapsyon sa ating minamahal na bayan,” ayon kay Bishop Cañete.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 9,926 total reads

 9,926 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 65,104 total reads

 65,104 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 150,469 total reads

 150,469 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 197,206 total reads

 197,206 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 245,078 total reads

 245,078 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 345,838 total reads

 345,838 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 170,251 total reads

 170,251 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top