Environmental group, kinilala ang yumaong mambabatas sa pagtatanggol ng kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,506 total reads

Binigyang-pugay ng EcoWaste Coalition ang buhay at paglilingkod ng yumaong human rights defender at Albay 1st district representative Edcel Lagman.

Ayon kay EcoWaste national coordinator, Aileen Lucero, kilala si Lagman sa paninindigan laban sa hindi makatarungang utang, pangangalaga sa kalikasan, at pagtataguyod ng dignidad ng tao.

“Known to many as a man of principle and action, Rep. Lagman valiantly fought for causes meant to defend human dignity, rectify injustice and uplift people’s lives, including the cancellation of illegitimate debts,” ayon kay Lucero.

Kabilang sa mga mahahalagang nagawa ng yumaong mambabatas ang pagsuporta sa kampanya laban sa nabigong proyektong Austrian medical waste incinerator na binili ng pamahalaan noong 1997 sa halagang mahigit P500-milyon.

Dahil hindi pumasa ang mga incinerator sa emission tests at lumabag sa Clean Air Act, ipinasara ito noong 2003.

Gayunpaman, patuloy pa ring binabayaran ng pamahalaan ang utang na may kaugnayan sa proyekto hanggang 2014.

Ibinahagi naman ni Gubat, Sorsogon Mayor Ronnel Lim, na siyang lead author ng Toxic Debt: The Onerous Austrian Legacy of Medical Waste in the Philippines, na malaki ang naging ambag ni Lagman upang mapahinto ang pagbabayad ng nasabing utang lalo na noong kasagsagan pandaigdigang krisis mula 2007 hanggang 2009.

“We remember with utmost gratitude the help extended by Rep. Lagman in bringing the failed Austrian medical waste incinerator project to the attention of his fellow lawmakers, and the justness of cancelling the debt payments during the difficult period of global financial crisis in 2007-2009,” ayon kay Lim.

Nakatuwang ni Lagman si dating Akbayan Partylist Representative at kasalukuyang Senador Risa Hontiveros sa pagpapahinto ng pagbabayad sa utang, na naging bahagi ng ‘Stop Toxic Debt! Campaign’.

Bukod dito, kinilala rin ng EcoWaste Coalition ang suporta ng yumaong mambabatas sa BANtay Endosulfan campaign, na nanawagan para sa agarang pagbabalik sa pinagmulan ng nakakalasong endosulfan pesticide, na nakuha mula sa lumubog na MV Princess of the Stars noong 2008.

Nanindigan si Lagman na hindi kailangang panatilihin ang mapanganib na kemikal sa bansa upang patunayan ang kaso sa korte.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 8,862 total reads

 8,862 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 63,528 total reads

 63,528 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 148,893 total reads

 148,893 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 195,630 total reads

 195,630 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 243,502 total reads

 243,502 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 344,333 total reads

 344,333 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 170,195 total reads

 170,195 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top