Panukalang 200-pisong wage increase, kinatigan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,375 total reads

Pinaalala ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang pagkakaroon ng balanse sa pagitan ng mga manggagawa at kakayahan ng mga negosyo o kompanya na mapanatili ang mga operasyon.

Ito ang payo ni Bishop Pabillo sa pagsusulong ng House Bill No. 11376 o Wage Hike For Minimum Wage Workers Act na magpapatupad ng 200-pesos minimum wage increase para sa mga manggagawang sa pribadong sektor.

Ayon sa Obispo, napapanahon na ang pagsusulong nito sa pamahalaan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga manggagawa na mapaunlad ang antas ng kanilang pamumuhay at makamit ang mga pangunahing pangangailangang serbisyo.

Iginiit ni Bishop Pabillo na mahalaga sa panukala na tiyakin ang ikabubuti ng pribadong sektor at hindi pagkalugi ng mga negosyo sa pagpasa ng batas.

“Kaya sana, ang sakin lang personally, mas kailangan ng workers ang 200 pesos wage hike a day pero i-balance sa mga pangangailangan ng mga paligid, ng mga kompanya at sana tuloy-tuloy ang ating pag-pressure sa kongreso, kasi ito nasa committee meeting palang at parang pagbobotohan pa yan ng pangkalahatan sa kongreso, sa senate sana po ay pumasa ang kanilang panukala,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.

Umapela naman si Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern (AMLC) Minister Fr.Eric Adoviso na alalahanin ang kapakanan ng mga manggagawang sa ibat-ibang lalawigan at pinakamalalayong kanayunan ng Pilipinas sa patuloy na pagsusulong ng House Bill No.11376.

Ipinapanalangin ng Pari, na maging ‘Across the board’ ang panukalang 200 pesos wage increase upang mai-angat ang pamumuhay ng mga manggagawa sa bansa.

Nagpaoasalamat nanan si Fr.Adoviso sa mga mambabatas sa kongreso sa pagsusulong ng panukala na ngayong ay nakapasa na sa ikalawang pagbasa sa mababang kapulungan kasabay ng panalanagin na higit din na maisulong ang mga katuruan ng ensiklikal ni Saint John Paul II na Laborem Exercens upang mabigyan ng dignidad ang paggawa.

Nakasaad sa ensiklikal na nararapat lamang tumbasan ng mga employers at kompanya ng wastong halaga o suweldo ng mga manggagawa na katumbas ng kanilang pinaghirapang trabaho.

“Yan yung ating nininais kasi yan naman yung turo ng simbahan sa Laborem Exercens sa Family Wage na tinatawag, yun yung idea, yun parin yung ating minumungkahi sa ating pamahalaan na sana marating yuon, marating yung family wage at sana nga hindi na mag-abroad yung libo-libong Pilipino at makuntento darating na sa atin yung family wage na iisa lang yung nagtatrabaho, at itong nagtatrabaho ay nagbibigay ng magandang kinabukasan sa kanilang pamilya sa lahat ng aspeto ng buhay ng isang manggagawa,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Adoviso.

Ang 1,200-pesos Family Living Wage ay ayon sa mga pag-aaral ng Ibon Foundation na ayon sa Think Tank Group, ay ang halaga na dapat na matanggap na suweldo ng mga manggagawa na nakaayon inflation rate ngayon, upang matustusan ng sektor ang kanilang pangangailangan at nang pamilya na kanilang sinusuportahan.

bagamat bumaba ang 3.2% ang kabuoang inflation rate noong 2024 kumpara sa datos noong 2023 na umabot sa 6.0% ay nananatiling itong mabilis at pinangangambahan ng mga mamamayan na maging suliranin upang makabili ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 95,456 total reads

 95,456 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 233,927 total reads

 233,927 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 349,704 total reads

 349,704 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 466,506 total reads

 466,506 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 96,328 total reads

 96,328 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »
Scroll to Top