Caritas Philippines, nagluluksa sa pagpanaw ng Argentinian priest at Veritas anchor Fr. Luciano Felloni

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,324 total reads

Nakikiramay ang social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Diyosesis ng Novaliches kaugnay sa pagpanaw ni Argentinian priest, Fr. Luciano Felloni.

Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ipinakita ni Fr. Felloni ang dedikasyon sa paglilingkod para sa kapwa lalo na sa mahihirap.

“His deep love for the Church and commitment to justice, especially for the marginalized and victims of violence, embodied the true essence of Christian service,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Kinilala rin ni Bishop Bagaforo ang pagsuporta ni Fr. Felloni sa mga layunin ng Alay Kapwa program upang mapaunlad ang pamumuhay ng mga komunidad at higit na nangangailangan.

Naglingkod si Fr. Felloni bilang executive director ng Caritas Novaliches mula 2011 hanggang 2019; at priest director ng Novaliches Diocesan Social Action Commission at priest coordinator ng Social Service Development Ministry mula 2013 hanggang 2019.

Inilunsad din ng pari noong siya’y naglingkod bilang kura paroko ng Our Lady of Lourdes Parish sa Caloocan City, ang community-based rehabilitation program para sa drug users at mga inisyatiba para sa mga naulilang pamilya ng mga biktima ng extra-judicial killings sa kasagsagan ng war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“On behalf of Caritas Philippines, we extend our deepest condolences to the Diocese of Novaliches and all who were touched by Fr. Felloni’s ministry. May his legacy of compassion and service continue to guide us in our mission of love and charity,” saad ni Bishop Bagaforo.

Si Fr. Felloni, na siyang founder ng AlmuSalita at dating anchor priest ng Barangay Simbayanan sa Radyo Veritas, ay pumanaw sa edad na 51 noong February 2, dahil sa mga komplikasyong dulot ng skin cancer.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 81,531 total reads

 81,531 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 118,903 total reads

 118,903 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 150,165 total reads

 150,165 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 222,939 total reads

 222,939 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 313,197 total reads

 313,197 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 76,641 total reads

 76,641 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top