Caritas Philippines, nagluluksa sa pagpanaw ng Argentinian priest at Veritas anchor Fr. Luciano Felloni

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,289 total views

Nakikiramay ang social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Diyosesis ng Novaliches kaugnay sa pagpanaw ni Argentinian priest, Fr. Luciano Felloni.

Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ipinakita ni Fr. Felloni ang dedikasyon sa paglilingkod para sa kapwa lalo na sa mahihirap.

“His deep love for the Church and commitment to justice, especially for the marginalized and victims of violence, embodied the true essence of Christian service,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Kinilala rin ni Bishop Bagaforo ang pagsuporta ni Fr. Felloni sa mga layunin ng Alay Kapwa program upang mapaunlad ang pamumuhay ng mga komunidad at higit na nangangailangan.

Naglingkod si Fr. Felloni bilang executive director ng Caritas Novaliches mula 2011 hanggang 2019; at priest director ng Novaliches Diocesan Social Action Commission at priest coordinator ng Social Service Development Ministry mula 2013 hanggang 2019.

Inilunsad din ng pari noong siya’y naglingkod bilang kura paroko ng Our Lady of Lourdes Parish sa Caloocan City, ang community-based rehabilitation program para sa drug users at mga inisyatiba para sa mga naulilang pamilya ng mga biktima ng extra-judicial killings sa kasagsagan ng war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“On behalf of Caritas Philippines, we extend our deepest condolences to the Diocese of Novaliches and all who were touched by Fr. Felloni’s ministry. May his legacy of compassion and service continue to guide us in our mission of love and charity,” saad ni Bishop Bagaforo.

Si Fr. Felloni, na siyang founder ng AlmuSalita at dating anchor priest ng Barangay Simbayanan sa Radyo Veritas, ay pumanaw sa edad na 51 noong February 2, dahil sa mga komplikasyong dulot ng skin cancer.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 216,418 total views

 216,418 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 246,642 total views

 246,642 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 273,286 total views

 273,286 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 368,259 total views

 368,259 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 375,267 total views

 375,267 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top