The Church will never abandon celibacy, paninindigan ng Papal Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,955 total reads

Tiniyak ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na mananatiling mahalagang disiplina sa mga lingkod ng simbahan ang celibacy.

Sa pastoral visit ng nuncio sa programang Barangay Simbayanan ng Radio Veritas 846, pinawi nito ang agam-agam ng ilang mananampalataya hinggil sa pag-apruba ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Permanent Diaconate na pinangangambahang magiging daan para pahintulutang magkaroon ng asawa ang mga pari.

“The Church will never abandon celibacy; you should not be afraid of that because celibacy of the priesthood is absolutely integral to the church’s discipline,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Brown.

Ayon kay Archbishop Brown bagamat pinahihintulutan ang mga may asawa sa permanent diaconate hindi ito nangangahulugang magbabago ang pananaw at turo ng simbahan hinggil sa celibacy ng mga pari at binigyang diin na dadaan sa masusing proseso at konsultasyon sa mga maybahay ang mga may asawang nagnanais maglingkod sa simbahan bilang permanent deacon.

Paliwanag ng nuncio na ang permanent diaconate ay hindi bagong ideya kundi bahagi ito ng simbahang katolika at dumadaan din sa mga paghuhubog at mga pag-aaral ang sinumang nagnanais maging permanent deacon.

“Permanent Diaconate is not an innovation. It’s always part of the church’s life,” saad ng nuncio.

Matatandaang September 2023 nang aprubahan ni Pope Francis ang kahilingan ng CBCP na magkaroon ng permanent diaconate sa Pilipinas habang nitong nagdaang 129th plenary assembly ng mga obispo ay inaprubahan ang Ratio for Permanent Deacon na magsisilbing gabay sa pagpapatupad nito sa bansa.

Kabilang sa isinasaad sa Ratio na hindi obligado ang simbahan o ang mga diyosesis na bigyan ng sahod ang mga permanent deacons kaya kabilang sa mga dapat isaalang-alang ng mga nagnanais maglingkod sa bokasyon ay ang pagiging economically stable na makasasapat suportahan ang sariling pangangailangan.

Sinabi naman ni Archbishop Brown na matapos maaprubahan ng CBCP ang Ratio ay ipapadala ito sa Vatican para sa pormal na pag-apruba ng santo papa.

“The bishops have approved the Ratio, so it’s going to Rome for the ‘Recognitio,’ giving a stamp approval to it, and then it will be implemented here in the Philippines. I would expect that the ‘Recognitio’ will come quickly,” ayon pa kay Archbishop Brown.

Kabilang sa mga gawain ng permanent deacon ang pagpapahayag ng Ebanghelyo, homiliya sa mga banal na misa, paggawad ng sakramento ng binyag, pagdadala ng banal na komunyon sa mga may karamdaman, paggawad ng sakramento ng kasal (kung pahihintulutan ng obispo) at pakikinahagi sa mga kawanggawa at pastoral ministry ng kristiyanong pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 48,549 total reads

 48,549 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 85,339 total reads

 85,339 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 118,300 total reads

 118,300 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 169,465 total reads

 169,465 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 231,092 total reads

 231,092 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top