PNP Chaplain Service, tututukan ang spiritual transformation ng mga pulis.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 503 total views

Magiging pro-active na ang pamamaraan ng Philippine National Police – Chaplain Service at ng Military Ordinariate of the Philippines sa pagtutok sa spiritual transformation ng mga kawani ng P-N-P.

Ayon kay PNP – Chaplain Service Deputy Director Police Senior Superintendent Rev. Father Lucio Rosaroso Jr. dahil sumang-ayon si Pangulong Duterte sa retraining at pagpapadala sa mga police scalawag sa Mindanao kaya’t tututukan nila na mahubog ang makataong moralidad at pagpapahalaga ng mga otoridad sa tungkulin.

Sinisimulan na ng PNP-Chaplain Service ang paghuhubog ng matatag na ispiritwalidad ng mga kawani ng PNP sa training classes pa lamang ng mga bagong pulis at pagsi-seminar sa mga tiwaling pulis.

“ang nagyari kasi si President Digong, nagdecide ang ating Pangulo na huwag i-retraining so wala kaming magagawa .Instead of that we are going to school, pro-active na ito sa mga regular classes or subject ng mga police natin..” pahayag ni Father Rosaroso sa panayam sa Radio Veritas.

Nabatid sa tala ng PNP noong 2016, umaabot na sa 1,122 ang mga PNP Personnel na may kasong administratibo.

Bago suspendihin ang Oplan Tokhang noong buwan ng Enero ay tinatayang umaabot na sa higit 7-libong indibidwal ang namatay sa war on drugs ng pamahalaan.

Sa kabila nito, tiniyak ng PNP-Chaplain Service at Military Ordinariate of the Philippines ang suporta sa layunin ng pamahalaan laban sa illegal na droga at pagtutok sa pagpapanibago ng pananaw ng nasa 180-libong mga kawani ng PNP sa kanilang misyon na lipunin ang mga masasamang loob sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 193 total views

 193 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 24,509 total views

 24,508 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 60,299 total views

 60,298 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 102,185 total views

 102,185 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 155,534 total views

 155,533 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top