Church Leaders Council for National Transformation, magra-rally sa EDSA People Power monument

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,441 total reads

Nakatakdang magkaisa ang iba’t ibang denominasyon ng Simbahan para sa paggunita ng ika-39 na anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution.

Ayon kay Caritas Philippines President at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang EDSA ay isang patuloy na paalala sa pambihirang kapangyarihang tinataglay ng taumbayan na hindi dapat na isantabi at ipagsawalang bahala ng sinuman.

Ipinaliwanag ng Obispo na siya ring tagapangulo ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action-Justice and Peace, napapanahon na upang muling maipamalas ng taumbayan ang natatanging kapangyarihang ito upang matiyak ang patuloy na pananaig ng demokrasya, katarungan, at mabuting pamamahala o good governance sa bansa.

“EDSA is a reminder that people’s power is real… It is time for us to reclaim that power and ensure that the values of democracy, justice, and good governance prevail in our nation.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Bilang paninindigan sa pagsusulong ng kaayusan sa bayan ay nagkaisa ang mga lider ng iba’t ibang denominasyon at nabuo ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) noong February 13, 2025 sa LAIKO Office sa Intramuros, Manila na layuning isulong ang mabuting pamamahala at pambansang pagpapanibago para sa Pilipinas.

Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo na isa sa nangunguna sa grupo katuwang si Novaliches Bishop Roberto Gaa, ang paglaban sa katiwalian ay isang moral na tungkulin na dapat na isulong ng bawat mamamayan para sa kapakanan ng kapwa at ng buong bayan.

“The fight against corruption is a moral imperative… We cannot remain silent while the country suffers from bad governance, corruption, and impunity. The people must take a stand and demand accountability.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Kaugnay nito kasabay ng paggunita sa ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa ika-25 ng Pebrero, 2025 ay magsasagawa ng isang pagkilos ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa People Power Monument ganap na alas-tres ng hapon upang patuloy na ipamalas ang paninindigan para sa bayan.

“As the nation marks the 39th anniversary of the 1986 People Power Revolution, the Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) calls on all Filipinos to unite in a mass gathering at the People Power Monument on February 25, 2025, at 3:00 PM. The event, EDSA People Power @ 39, aims to reignite the spirit of democracy and accountability as the country faces continued challenges of corruption, economic hardship, and governance failures.” Ayon kay Bishop Bagaforo.

Kabilang sa mga bumubuo ng CLCNT ang Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC), National Council of Churches in the Philippines (NCCP), Roman Catholic Church (sa pangunguna ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action-Justice and Peace at Caritas Philippines), Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP), at Manila Ecclesiastical Province School Systems Association (MAPSA).

Kasama rin sa grupo ang CGG (Clergy for Good Governance), CCGG (Concerned Citizens for Good Governance), TAMA NA (alliance of universities led by De La Salle University), at iba pang civic and advocacy groups.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 83,990 total reads

 83,990 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 185,717 total reads

 185,717 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 222,505 total reads

 222,505 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 253,080 total reads

 253,080 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 297,979 total reads

 297,979 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top