Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Total disaster ang Partylist System Act, total overhaul, iminungkahi ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 10,905 total views

Dismayado si 1987 Constitutional framer at Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. sa kinahinatnan ng Republic Act No. 7941 o Party-List System Act.

Ito ang ibinahagi ng Obispo kaugnay sa pamamayagpag ng mga bogus partylist sa nalalapait na Midterm Elections sa darating na ika-12 ng Mayo, 2025.

Ayon kay Bishop Bacani, maituturing na isang “total disaster” ang kinahinatnat ng sistema ng party-list sa bansa na binuo at binalangkas ng 1987 Con Com members upang magsilbing daan sa pagbibigay boses sa mga walang boses sa lipunan, at sa mga mahihirap na nagnanais na maglingkod sa bayan ngunit hindi kabilang sa mga makapangyarihang partidong pampulitika sa bansa.

“It is a total disaster. The 1987 Con Com members thought of it as a way of giving voice to the voiceless, the poor who could not be voted because they did not belong to the powerful political parties. Now they have been coopted by the traditional politicians to further entrench their hold on power.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bacani.

Giit ni Bishop Bacani, napapanahon nang muling suriin at amyendahan ang Party-List System Act upang mapagtibay ito mula sa pang-aabuso ng mga tradisyunal na pulitiko na ginagamit ang party-list system upang patuloy na makaposisyon at mapanatili ang kanilang kapangyarihang pinanghahawakan sa pamahalaan.

Paliwanag ng Obispo, hindi katanggap-tanggap ang kinahinatnan ng Party-List System Act kaya naman nararapat lamang itong maisaayos upang matiyak na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabilang sa mga batayang sektor ng lipunan na magkaroon ng tunay na kinatawan sa Kongreso.

“The party list now needs an overhaul so that the traditional politicians are excluded from them and the truly voiceless poor are represented by them.” Dagdag pa ni Bishop Bacani.

Layunin ng Republic Act No. 7941 o Party-List System Act na payagang lumahok sa pambansang pulitika ang iba’t-ibang mga organisadong grupo mula sa mga ‘marginalized’ at ‘underrepresented’ na sektor tulad ng mga manggagawa, mangingisda, magsasaka, kababaihan, maralitang taga-lungsod, kabataan, mga katutubong komunidad, OFWs, mga beteranong sundalo, propesyunal, mga may kapansanan, at mga matatanda upang makapagbalangkas ng mga batas sa Kongreso na tunay na makatutugon sa mga pangangailangan ng mga sektor na kanilang kinabibilangan.

Ayon sa RA 7941, 20% ng lahat ng upuan o posisyon sa Kongreso ay nakalaan para sa mga kinatawan ng party-list na kung susumahin ay kung sakaling may 250 kongresistang nakaupo sa Mababang Kapulungan, 50 dito ay dapat na mula sa mga kinatawan ng party-list.

Sa datos ng Commission on Elections (COMELEC) para sa nakatakdang 2025 Midterm Election, umabot sa 190 ang mga naghain certificates of nomination at kanilang certificates of acceptance of nomination (CON-CAN) para sa hanay ng mga partylist na pawang binubuo ng ilang mga dati ng pulitiko, artista, at maging mga social media personality.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 83,506 total views

 83,506 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 91,281 total views

 91,281 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 99,461 total views

 99,461 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 114,993 total views

 114,993 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 118,936 total views

 118,936 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 23,848 total views

 23,848 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 24,520 total views

 24,520 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top