Muling pag-alabin ang diwa ng EDSA People Power bloodless revolution-CEAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,568 total reads

Naniniwala ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na nananatiling buhay at napapanahon ang diwa ng 1986 EDSA People Power Revolution sa kasalukuyan.

Ito ang mensahe ng pambansang asosasyon ng mga Katolikong paraalan sa paggunita ng ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa ika-25 ng Pebrero.

“The Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) believes that the spirit of the 1986 EDSA People Power Revolution remains alive today.” Bahagi ng pahayag ng CEAP.

Ayon sa CEAP hindi dapat na isantabi ang naganap na ‘bloodless revolution’ noong 1986 na isang pambihirang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas na hinangaan sa buong daigdig.

Noong Pebrero taong 1986 sa harap ng mga tangke at ng militar ay dumagsa sa EDSA ang mamamayan mula sa iba’t-ibang antas ng lipunan kasama ang mga lingkod ng Simbahan at nagkaisa sa pananalangin para sa mapayapang pagkamit ng demokrasya ng bansa mula sa diktadurya sa ilalim ng rehimen ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Paliwanag ng CEAP, napapanahon na muling pag-alabin ang malalim na pagmamahal sa bayan ng bawat isa lalo na para sa nalalapit na Midterm Elections sa ika-12 ng Mayo, 2025.

“The EDSA spirit is a shining moment in our life and history as a people. It showed the world what is best in the Filipino, how we can transcend ourselves and sacrifice for our country, how we choose peace over violence. We urgently need to re-ignite this spirit today, especially in the upcoming May elections, and in our daily exercise of our rights, freedoms, and responsibilities.” Dagdag pa ng CEAP.

Kaugnay nito, tiniyak ng CEAP ang patuloy na pagsusulong sa diwa ng 1986 EDSA People Power Revolution sa pamamagitan ng patuloy na pagbabahagi sa mga kabataan ng mga tunay na naganap noong panahon ng batas military, pag-aalay ng banal na misa para sa demokrasya ng bansa, at pagsuspendi ng klase at trabaho upang bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral at kawani ng mga miyembrong paraalan na makibahagi sa mga gawaing may kaugnayan sa EDSA People Power Revolution.

“CEAP schools therefore recommit to the EDSA spirit. We shall be courageous, creative, and community-centered in our celebration, considering options likes the following Eucharistic celebrations, suspension of classes and work on February 25, alternative classes, commemorative conferences and fora, reflection sessions and conversations, community outreach and socio-cultural events.” Ayon pa sa CEAP.

Tiniyak din ng CEAP ang paninindigan laban sa anumang tangkang pagsasantabi sa isa sa mahalagang bahagi ng kasaysayan ng bansa.

Giit ng CEAP, “The 1986 EDSA People Power revolution shall always be a constitutive dimension of learning of our students. Philippine and Catholic education shall never be without it. CEAP shall push back all attempts to deny, distort, downgrade, and devalue it in our schools, in our communities, and in our life as a nation.” pahayag ng CEAP

Sa tala ng Amnesty International, aabot sa mahigit 34,000 Filipino ang dumanas ng pang-aabuso at iba’t-ibang uri ng karahasan bukod pa sa 70,000 na mga nakulong at mahigit 3,200 pinaslang sa maituturing na madilim na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas noong panahon ng Batas Militar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 27,485 total reads

 27,485 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 113,940 total reads

 113,940 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 160,679 total reads

 160,679 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 208,551 total reads

 208,551 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 311,138 total reads

 311,138 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top