Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tumutulong sa charity patients, pinasasalamatan ng UP-PGH Chaplain

SHARE THE TRUTH

 8,729 total views

Nagpasalamat ang head chaplain ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) sa mga patuloy na nagbibigay ng tulong para sa mga charity patients ng ospital.

Ayon kay Jesuit priest Fr. Marlito Ocon, biyaya mula sa Diyos ang mga donasyon mula sa mga may mabubuting puso, na nagiging daan upang mapabuti ang serbisyo at kagalingan ng mga pasyente.

Ginawa ni Fr. Ocon ang pahayag matapos makatanggap mula sa isang ‘anonymous donor,’ na dating pasyente ng PGH noong kasagsagan ng coronavirus pandemic, ng 80 units ng Portable Suction Machines at 80 units ng Nebulizers.

Nagkakahalaga ang mga ito ng P1.1 milyon, at ibibigay para sa mga charity patients ng 16 charity wards, emergency rooms, operating rooms, at ilang intensive care units (ICUs) ng PGH.

“Of the hundreds and thousands of patients I visited and prayed in PGH during the COVID pandemic, I can hardly recall her, though we talk a lot of her struggles and difficulties… She added, that my stories gave her strength and courage to fight and not to give up. Actually, those were not my stories, but those were God’s love stories of His people, meant to be shared. Thank you for remembering me and keeping our patients in mind,” pagbabahagi ni Fr. Ocon.

Samantala, nagbabala si Fr. Ocon sa publiko laban sa mga mapanlinlang na posibleng gamitin ang kanyang pangalan upang humingi ng tulong.

Kasunod ito ng ulat na sinusubukang ma-access ng mga hacker ang facebook account ng pari.

Ayon kay Fr. Ocon, sakaling may matanggap na kahina-hinalang mensahe mula sa kanyang account, agad itong ipagbigay-alam upang matugunan.

“I’ve heard reports of possible hackers trying to access my Facebook account. If you get a message from me that seems suspicious or asks for personal info, please ignore it and let me know [as soon as possible],” ayon kay Fr. Ocon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 41,270 total views

 41,270 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 57,358 total views

 57,358 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 94,825 total views

 94,825 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 105,776 total views

 105,776 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 33,656 total views

 33,656 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top