Church Leaders Council for National Transformation, magra-rally sa EDSA People Power monument

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,539 total reads

Nakatakdang magkaisa ang iba’t ibang denominasyon ng Simbahan para sa paggunita ng ika-39 na anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution.

Ayon kay Caritas Philippines President at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang EDSA ay isang patuloy na paalala sa pambihirang kapangyarihang tinataglay ng taumbayan na hindi dapat na isantabi at ipagsawalang bahala ng sinuman.

Ipinaliwanag ng Obispo na siya ring tagapangulo ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action-Justice and Peace, napapanahon na upang muling maipamalas ng taumbayan ang natatanging kapangyarihang ito upang matiyak ang patuloy na pananaig ng demokrasya, katarungan, at mabuting pamamahala o good governance sa bansa.

“EDSA is a reminder that people’s power is real… It is time for us to reclaim that power and ensure that the values of democracy, justice, and good governance prevail in our nation.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Bilang paninindigan sa pagsusulong ng kaayusan sa bayan ay nagkaisa ang mga lider ng iba’t ibang denominasyon at nabuo ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) noong February 13, 2025 sa LAIKO Office sa Intramuros, Manila na layuning isulong ang mabuting pamamahala at pambansang pagpapanibago para sa Pilipinas.

Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo na isa sa nangunguna sa grupo katuwang si Novaliches Bishop Roberto Gaa, ang paglaban sa katiwalian ay isang moral na tungkulin na dapat na isulong ng bawat mamamayan para sa kapakanan ng kapwa at ng buong bayan.

“The fight against corruption is a moral imperative… We cannot remain silent while the country suffers from bad governance, corruption, and impunity. The people must take a stand and demand accountability.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Kaugnay nito kasabay ng paggunita sa ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa ika-25 ng Pebrero, 2025 ay magsasagawa ng isang pagkilos ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa People Power Monument ganap na alas-tres ng hapon upang patuloy na ipamalas ang paninindigan para sa bayan.

“As the nation marks the 39th anniversary of the 1986 People Power Revolution, the Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) calls on all Filipinos to unite in a mass gathering at the People Power Monument on February 25, 2025, at 3:00 PM. The event, EDSA People Power @ 39, aims to reignite the spirit of democracy and accountability as the country faces continued challenges of corruption, economic hardship, and governance failures.” Ayon kay Bishop Bagaforo.

Kabilang sa mga bumubuo ng CLCNT ang Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC), National Council of Churches in the Philippines (NCCP), Roman Catholic Church (sa pangunguna ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action-Justice and Peace at Caritas Philippines), Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP), at Manila Ecclesiastical Province School Systems Association (MAPSA).

Kasama rin sa grupo ang CGG (Clergy for Good Governance), CCGG (Concerned Citizens for Good Governance), TAMA NA (alliance of universities led by De La Salle University), at iba pang civic and advocacy groups.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 29,376 total reads

 29,376 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 17,930 total reads

 17,930 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 54,596 total reads

 54,596 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 156,418 total reads

 156,418 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 196,977 total reads

 196,977 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 216,865 total reads

 216,865 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 29,377 total reads

 29,377 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top