Pagsusulong ng mga paaralan sa diwan ng EDSA People Power, pinuri ng SCMP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,423 total reads

Pinuri ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) at iba pang mga educational institutions sa bansa na nagpahayag ng paninindigan sa patuloy na pagsusulong ng diwa ng EDSA People Power Revolution.

Ayon kay SCMP National Chairperson Kej Andres, mahalaga ang paninindigan ng mga institusyong pang-edukasyon sa bansa upang matiyak na mabuksan ang kamalayan ng mga kabataan sa mga tunay na pangyayaring naganap sa kasaysayan ng bansa noong panahon ng batas militar sa ilalim ng rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Partikular na kinilala ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) ang deklarasyon ng mga institusyong pang-edukasyon ng non-academic working days sa February 25, 2025 upang bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral at mga kawani na makibahagi sa mga gawing may kaugnayan sa paggunita ng ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

“We laud CEAP NCR and other educational institutions in designating February 25 as non-academic working days encouraging participation of events on that day. Despite the virtually meaningless declaration of President Ferdinand Marcos Jr. to declare February 25 as a working holiday, educational institutions are continuing the tradition of standing up against historical distortion being plotted by the family that imposed the oppressive martial law,” Bahagi ng pahayag ni Andres.

Pagbabahagi ni Andres, bagamat halos apat na dekada na ang lumipas mula ng naganap ang EDSA People Power Revolution noong 1986 ay patuloy namang nararanasan magpahanggang sa ngayon ang mga epekto ng diktaduryang Marcos Sr. kabilang na ang mataas na presyo ng mga bilihin, campus militarization, iba’t ibang pang-aabuso sa karapatang pantao at pagsunod sa mga dayuhang kapangyarihan.

“We, youth and students, while not part of the People Power Uprising, continue to carry the heavy crosses of the Marcos Sr. dictatorship: high prices, campus militarization, curtailment of human rights, and subservience to foreign powers. Thus, the Marcos Jr. administration must only expect leaps and bounds of students to exercise our militant and collective tradition, furthering the spirit of EDSA People Power towards the full realization of our nationalist and democratic aspirations” Dagdag pa ni Adres.

Aabot sa 1,525 ang bilang ng mga member-schools ng CEAP na pawang hinihikayat nitong makibahagi sa paggunita ng ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Kabilang naman sa mga paaralang una ng nagdeklara ng non-academic working days sa ika-25 ng Pebrero, 2025 ang Immaculate Conception Academy, La Salle Green Hills, Saint Pedro Poveda College, De La Salle University, Xavier School, University of Santo Tomas, at University of the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 28,361 total reads

 28,361 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 65,321 total reads

 65,321 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 83,532 total reads

 83,532 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 167,860 total reads

 167,860 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 203,942 total reads

 203,942 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 37,888 total reads

 37,888 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top