Pilipinas muling itinalaga sa pangangalaga ng birheng Maria

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,276 total reads

Muling itinalaga ang Pilipinas sa mapagkalingang pangangalaga sa Mahal na Birhen, Reyna ng Kapayapaan.

Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang consecration sa ikawalong araw ng misa nobenaryo ng National Shrine of Mary Queen of Peace of EDSA Shrine nitong February 23.

Ayon sa cardinal ang pagtalaga ay tanda ng paninindigang patuloy itaguyod ang kapayapaan lalo na sa kasalukuyang panahon na maraming hamong kinakaharap ang bansa tulad ng hindi pagkakasundo ng mga lider at labis na paglaganap ng fake news.

“The Entrustment to Our Lady of Peace is an expression of our commitment to peace, justice, and good governance,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula.

Napapanahon ang panawagan ng arsobispo lalo’t gugunitain ng bansa ang ika – 39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution na tinaguriang bloodless revolution sa buong mundo at matibay na pagpapahayag ng masidhing pananampalataya ng mga Pilipino na sa pamamagitan ng mga panalangin ay nakamit ang kapayapaan at kalayaan ng bansa.

Umaasa si Cardinal Advincula na tulad ng Mahal na Birheng buong pusong umawit ng Magnificat para sa katarungan at kapayapaan ng Israel noon ay magkaisa ang mga Pilipino sa pagsusulong ng makatarungan at malayang bansa.

“We cannot be truly pueblo amante de Maria if we are pious and devout in our personal lives but disregard God’s precepts,” ani Cardinal Advincula.

Batid din ng opisyal ang laganap na fake news sa bansa na kadalasang pinaniniwalaan ng mga ordinaryong mamamayan lalo na ang mga nababasa at napapanuod online.

Dalangin ni Cardinal Advincula na gawing huwaran ang Mahal na Ina sa pagtataguyod ng katotohanang nakabatay sa mga turo ng Panginoon.

“We cannot be truly pueblo amante de Maria if we destroy our land with disinformation, abuse, violence, corruption, and destruction of creation. /lMaging mapagmahal tayo katulad ni Maria,” giit ni Cardinal Advincula.

Samantala itinatag naman ang EDSA Shrine noong 1989 o tatlong taon makalipas ang matagumpay na pag-alsa ng mga Pilipino laban sa dalawang dekadang diktadurang pamamahala ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“This shrine is a testament to God’s protection and Our Lady’s maternal embrace,” saad ng arsobispo.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Fr. Jerome Secillano ang EDSA Shrine na unang nanindigang patuloy na isabuhay ang diwa at aral ng EDSA People Power na hindi lamang usaping pulitikal kundi paghahayag sa matatag na pananampalataya ng sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 67,295 total reads

 67,295 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 99,630 total reads

 99,630 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 201,456 total reads

 201,456 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 242,014 total reads

 242,014 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 259,733 total reads

 259,733 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top