Archdiocese of Palo, panalangin ang kagalingan ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,462 total reads

Tiniyak ng Archdiocese of Palo sa Leyte ang patuloy na pananalangin para sa pagbuti ng kalagayan at kagalingan ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Ayon kay Palo Archbishop John Du, kabilang ang paggaling at kalusugan ng Santo Papa sa intensyon ng pananalangin at mga banal na misa na isinasagawa sa buong arkidiyosesis bilang pagpapamalas na rin ng pagmamahal kay Pope Francis.

Pagbabahagi ng Arsobispo, hindi malilimutan ng mga mamamayan at mananampalataya ng Leyte ang naging pagdalaw ng Santo Papa Francisco sa lalawigan noong Enero ng taong 2015 upang personal na maipamalas ang pakikiisa sa mga nasalanta ng Super Typhoon Haiyan (Yolanda) noong 2013.

Paliwanag ni Archbishop Du, sa pamamagitan ng pagbisita ni Pope Francis sa lalawigan ay kanyang naipadama sa mga biktima ng kalamidad ang presensya ng habag at awa ng Panginoon na nakapagdulot ng pambihirang pag-asa para sa muling pagbangon ng mga biktima ng Yolanda.

“In the Archdiocese of Palo, we remember how Pope Francis brought a profound sense of hope and solidarity to our communities affected by Supertyphoon Haiyan (Yolanda). His presence as the vicar of Christ served as a powerful symbol of God’s mercy and compassion, reminding us that we are not alone in our collective efforts of healing and rebuilding. Our continued Prayers and Masses offered for his health and well-being are our powerful way of showing our love to the Holy Father.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Du.

Matatandaang tema ng naging pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas noong January 15 to 19, 2015 ang “Mercy and Compassion” na layuning personal na makita, makasalamuha, madamayan at mabigyan ng inspirasyon upang muling bumangon at umahon ang mga nasalanta ng Super Typhoon Yolanda na tumama sa Eastern Visayas noong Nobyembre ng taong 2013.

Samantala batay sa pinakahuling medical bulletin ng Vatican noong Linggo, nanatiling nasa kritikal na kondisyon ang 88-taong gulang na Santo Papa matapos na maospital sa Agostino Gemelli University Polyclinic sa Roma noong February 14, 2025 dahil sa respiratory infection.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 12,078 total reads

 12,078 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 99,467 total reads

 99,467 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 146,207 total reads

 146,207 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 194,079 total reads

 194,079 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 297,621 total reads

 297,621 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top