Holy hour para sa kagalingan ng Santo Papa, isasagawa ng Diocese of Malolos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,242 total views

Magsasagawa ng Holy Hour ang Diocese of Malolos para sa natatanging intensyon ng kagalingan ng Papa Francisco kasabay ng patuloy na gamutan nito dsa Gemelli Hospital.

Inatasan ni Bishop Dennis Villarojo ang lahat ng mga parokya ng diyosesis na maglaan ng oras para sa holy hour ngayong February 26 bilang pakikiisa sa buong simbahang katolika na nagdarasal sa agarang paggaling sa pinunong pastol ng mahigit isang bilyong katoliko sa mundo.

“This Holy Hour will provide an opportunity for the faithful of our diocese to gather in faith and solidarity, joining in prayer for our beloved Pope Francis,” bahagi ng pahayag ni Bishop Villarojo.

Hinimok ng Obispo ang lahat ng mananampalataya na makiisa sa mahalagang gawain at makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga parokya para sa detalye ng isasagawang pagtatanod sa Banal na Sakramento.
Sa latest update ng Vatican ay nanatiling nasa mapanganib na kalagayan si Pope Francis dahil sa pneumonia subalit sa mensaheng ibinahagi ng santo papa pinasalamatan nito ang lahat ng mga nagpaabot ng panalangin at mensahe sa kanyang dagliang paggaling.

Positibo ang santo papa na muling malampasan ang pagsubok sa kalusugan na kanyang kinakaharap at buong kababaang loob na ipinagkatiwala sa Panginoon ang kalagayan.

Noong February 21 ay nagsagawa rin ng Holy Hour ang Archdiocese of Manila na pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula alinsunod na rin sa panawagan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na ipanalangin ang kagalingan ni Pope Francis gayudin ang medical team na nangangalaga sa kalusugan nito.

Samantala umapela naman si Pontificio Collegio Filippino Rector Fr. Gregory Gaston sa mananampalataya na iwasang magpahayag ng anumang espekulasyon at fake news hinggil sa kalagayang pangkalusugan ni Pope Francis sa halip ay antabayanan ang mga latest updates na ibinabahagi ng Vatican sa pamamagitan ng Holy See Press Office.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 20,530 total views

 20,530 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 26,659 total views

 26,659 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 56,801 total views

 56,801 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 77,230 total views

 77,230 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 98,014 total views

 98,014 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top