“Nasa kamay ng mga Filipino ang tunay na kapangyarihan”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,763 total views

Ang Edsa People Power noong 1986 ay isang patunay na nasa kamay ng taumbayan ang tunay na kapangyarihan.

Ito ang binigyan diin ni Fr. Joel Saballa, deputy Executive Director ng Caritas Novaliches at Parish Administrator ng Our Lady of Anunciation Parish ng Diocese of Novaliches, kaugnay na rin sa ika-39 na anibersaryo ng Edsa People Power Revolution.

Ayon sa Pari, ipinapaala ng makasaysayang “bloodless revolution” na nasa taumbayan ang kapangyarihan upang manindingan para sa katarungang panlipunan upang malabanan o maiwaksi ang kasinungalinan na dahilan ng paglala ng pang-aapi at paniniil sa lipunan.

“Ang EDSA People Power ngayon ay paalala na nasa kamay natin ang tunay na kapangyarihan—hindi sa iilan, kundi sa taong bayan, Ito ay hindi lang bahagi ng kasaysayan, kundi isang hamon sa kasalukuyan: Tumindig, lumaban sa kasinungalingan, at ipaglaban ang tama upang hindi na maulit ang nakaraan,” ayon sa mensahe ni Fr. Saballa.

Paalala ng pari na sa pamamagitan ng taunang pagdiriwang ng People Power Revolution ay inaalala ang sakripisyo ng mga nakibaka noong 1986 upang mapalaya ang Pilipinas mula sa diktaturyang Marcos.

Umaasa si Fr. Saballa na maipagpatuloy ang kapayapaan sa lipunan upang maisulong ang katarungan at manatili ang kalayaan tinamatamasa ng mga Pilipino.

“Today, we remember the extraordinary courage of the Filipino people during the EDSA People Power Revolution — a moment in history where faith, unity, and solidarity triumphed, As we commemorate this historic day, let us renew our commitment to building a nation rooted in peace and justice. May its lessons continue to guide us towards a brighter future, working together to uphold democracy, justice, and the common good, Mabuhay and diwa ng EDSA!,” ayon pa sa mensahe ni Fr. Saballa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 15,319 total views

 15,319 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 58,927 total views

 58,927 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 143,355 total views

 143,355 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 159,425 total views

 159,425 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top