Benedictine nun, nanawagan sa mga Pilipino na aktibong makilahok sa halalan sa Mayo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,653 total reads

Nanawagan si Benedictine nun Sr. Mary John Mananzan, OSB sa mamamayan partikular na sa mga kabataan na bumoto sa nalalapit na halalan sa darating na May 12, 2025.

Ayon sa Madre, mahalaga ang aktibong pakikibahagi ng bawat isa upang makapaghalal ng mga opisyal ng bayan na tunay na makapagbabago at makapagpapabuti sa lipunan.

Paliwanag ni Sr. Mananzan, dapat na maging mapanuri ang bawat botante sa mga kandidato na may integridad at platapormang tunay na makabubuti para sa mas nakararami.

“Nananawagan ako first of all bumoto kayo unang una yun, ikalawa kapag bumoto kayo titingnan niyo kung ang kandidato number 1 is person with integrity unang una yun at saka kung sila ay talagang may plataporma at kung ang plataporma nila ay para sa kabutihan ng nakakarami hindi lang para sa very few.” Bahagi ng pahayag ni Sr. Mananzan sa Radio Veritas.

Sa datos ng Commission on Elections (COMELEC) umabot sa 184 ang bilang ng mga naghain ng certificates of candidacy (COC) sa pagka-senador, habang 190 naman sa hanay ng mga partylist na pawang binubuo ng ilang mga dati ng pulitiko, artista, at maging mga social media personality.

Batay sa tala ng COMELEC, aabot sa mahigit 69.6 na milyon ang bilang ng mga rehistradong botante para sa nalalapit na 2025 National and Local Elections kung saan kinakailangang maghalal ng mahigit sa 18,200 mga bagong opisyal ng bayan na kinabibilangan ng 12-senador, mga partylist representatives, congressional district representatives, governor, mayor, sangguniang bayan member at iba pa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 26,151 total reads

 26,151 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 107,130 total reads

 107,130 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 140,578 total reads

 140,578 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 175,876 total reads

 175,876 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 401,411 total reads

 401,411 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top