BFP, dinalaw ng imahen ng Jesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,180 total reads

Nagpapasalamat ang Bureau of Fire Protection Chaplaincy sa muling pagdalaw ng imahen ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa BFP-National Headquarters sa Quezon City.

Ayon kay Chief Chaplain, Fr. (FSSupt.) Randy Baluso, T’Ocarm, DSC, maituturing na pagpapala ang pagdalaw ng Poong Jesus Nazareno sa tanggapan, na nagbibigay ng panibagong sigla at nagpapatatag sa pananampalataya ng mga bumbero.

Ito na ang ikaapat na pagdalaw ng imahen sa BFP, na natapat din sa pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo, hudyat ng pagsisimula ng Kuwaresma, ang 40 araw na paghahanda para sa paggunita sa pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo.

“Ang pagbisita ng Mahal na Poon ay nagpapanibago at nagbibigay lakas sa aming pananampalataya kay Jesus, na Siyang nagbibigay sa atin ng buhay at kaligtasan, lalong-lalo na po na papasok na ang Kuwaresma,” pahayag ni Fr. Baluso sa panayam ng Radyo Veritas.

Inihayag din ng pari na ang pagbisita ng Poong Nazareno ay paalala na ang lahat ng bagay sa buhay ay dapat naaayon sa kalooban ng Diyos.

Ipinaliwanag ni Fr. Baluso na bilang mga bumbero at mga indibidwal, dapat tiyaking ang mga gawain at tungkulin ay hindi lamang para sa sarili, kundi nakaayon sa kabutihan at plano ng Diyos.

Dagdag ng pari, na ang pagtupad sa tungkulin ay paraan ng pagbabalik ng pasasalamat sa Diyos sa lahat ng biyayang natatanggap, na sa pamamagitan ng trabaho at pananampalataya ay naipahahayag ang debosyon at pagpapahalaga sa kabutihan ng Diyos, tungo sa buhay na walang hanggan.

“We are reminded of the importance of our relationship with God, that everything that we have here should always be in line with the will of God. Lahat ng mga ginagawa natin, lahat ng mga bagay na ginagawa sa buhay, bilang isang bumbero, bilang isang anumang meron kami sa katatayuan namin, ay dapat may alignment sa kagustuhan at kalooban ng Diyos,” ayon kay Fr. Baluso.

Samantala, pinangunahan ni BFP Post Catholic Chaplain, Fr. (FSInsp.) Raymond Tapia, ang ritu ng pagtanggap sa imahen ng Poong Jesus Nazareno, na sinaksihan ng mga kawani at opisyal ng BFP.

Sinundan ito ng Misa ng Pagtanggap sa pangunguna ni Fr. Robert Arellano, LRMS, Parochial Vicar ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno (Quiapo Church), katuwang sina Fr. Baluso at Fr. Tapia.

Kasalukuyang nakalagak ang imahen ng Poong Jesus Nazareno sa Bulwagang Linsangan ng BFP-NHQ at mananatili rito hanggang Huwebes, March 6.

VP Sara at asawa, may 51-baril

 4,323 total reads

 4,323 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 6,538 total reads

 6,538 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 6,414 total reads

 6,414 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 18,884 total reads

 18,884 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 68,270 total reads

 68,270 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 90,360 total reads

 90,360 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 190,181 total reads

 190,181 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 222,425 total reads

 222,425 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 125,887 total reads

 125,887 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top