Mining moratorium, panawagan ni Archbishop Jumoad sa administrasyong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,668 total reads

Nanawagan si Pagadian Apostolic Administrator, Ozamis Archbishop Martin Jumoad, na ihinto ang lahat ng operasyon ng pagmimina sa Zamboanga del Sur upang mapigilan ang masamang epekto ng pagmimina sa kalikasan ng lalawigan.

Binigyang-diin ni Archbishop Jumoad sa kanyang pastoral letter na unti-unting napipinsala ang kapaligiran dahil sa patuloy na pagpapahintulot sa ilegal na minahan, kung saan nakababahala rin ang pagdagsa ng mga bagong aplikasyon para sa operasyon sa lugar.

“I advocate for a moratorium on all forms of mining in our province. While it is true that there are such things as legal or responsible mining practices, it is crucial to first determine whether these operations can genuinely contribute to the development of the majority of our community,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Jumoad.

Tinukoy ng arsobispo na mayroong aktibong pagmimina sa siyam na bayan sa Zamboanga del Sur, ito ang Dumingag, Mahayag, Midsalip, Bayog, Pitogo, Dimataling, Tabina, at Tigbao.

Apela ni Archbishop Jumoad sa publiko na maging mapagmatyag at kumilos upang mapangalagaan ang kapaligiran at komunidad mula sa mapaminsalang epekto ng pagmimina.

“We need to remain vigilant to avoid facing the same disastrous effects of mining that have occurred in other locations… Let us stay aware and take action to protect our environment and communities from the devastating impacts of mining,” ayon sa arsobispo.

Hinimok din ng arsobispo ang mga opisyal ng pamahalaan at mga ahensya na pigilan ang patuloy na paglaganap ng ilegal na pagmimina sa iba’t ibang panig ng bansa at magsagawa ng masusing pagsusuri sa epekto nito bago magbigay ng panibagong permit.

Noong nakaraang buwan, nagtipon sa bayan ng Dumingag ang ilang residente mula sa iba’t ibang parokya, kasama ang ilang pari, upang ipahayag ang pagtutol sa ilegal na pagmimina.

Sinabi ni Archbishop Jumoad na kailangang maging handa ang mamamayan upang hindi maranasan ng Zamboanga del Sur ang matinding pinsalang dulot ng pagmimina sa ibang mga lugar.

“I would like to remind everyone that we cannot treat every mountain as a bank of money, and the land merely as a capital for more profit. We and our future generations need the serenity of the mountains. We need the songs of the birds. We need the peace of the forests. We need to connect with the entire web of creation, for life cannot be sustained without our common home—the environment,” giit ni Archbishop Jumoad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 83,973 total reads

 83,973 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 185,700 total reads

 185,700 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 222,488 total reads

 222,488 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 253,063 total reads

 253,063 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 297,962 total reads

 297,962 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 58,423 total reads

 58,423 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top