Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sama-samang pananalangin sa kagalingan ni Pope Francis, panawagan ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

 23,896 total views

Nanawagan ng sama-samang pananalangin ang humanitarian, development and advocacy arm of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa pagbuti ng kalusugan at kagalingan ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Ayon kay Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, mahalaga ang sama-samang pananalangin ng bawat isa para sa mabilis na paggaling ng punong pastol ng Simbahan na nanatiling malubha ang kalagayan.

Partikular na nanawagan ang Obispo na ipanalangin ang pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria upang malagpasan ni Pope Francis ang kasalukuyang pagsubok sa kanyang kalusugan.

Paliwanag ni Bishop Bagaforo, may pambihirang kapangyarihan ang pananalangin na isang paraan upang sama-samang idulog ang mga hinaing at intensyon sa Panginoon.

“Ang ating mahal na Santo Papa ay nasa malubhang kalagayan ngayon at ang panawagan ng ating Simbahan ay magkaisa tayong manalangin para sa kanyang kabutihan at para malagpasan niya itong pagsubok sa kanyang kalusugan. And therefore, I ask lahat ng ating mga kapatid na may pagmamahal sa ating Santo Papa, mag-alay po tayo ng dasal at nawa’y sa tulong ng dasal at panalangin ng ating Mahal na Ina, the Blessed Virgin Mary ay the Holy Father may overcome itong trial na dumating sa kanyang buhay.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Batay sa pinakahuling medical bulletin ng Holy See, nanatiling kumplikado ang kondisyon ang 88-taong gulang na Santo Papa matapos na maospital sa Agostino Gemelli University Polyclinic sa Roma noong February 14, 2025 dahil sa respiratory infection.

Sa unang pagkakataon naman ay personal na nagpaabot ng pasasalamat si Pope Francis para sa lahat ng patuloy na nananalangin para sa kanyang kalusugan mula ng siya ay maospital 21-araw na ang nakakalipas.

Ipinaabot ng Santo Papa ang kanyang pasasalamat sa pamamagitan ng voice recording na inirekord sa wikang Espanyol na ipinarinig sa pagsisimula ng pananalangin ng Santo Rosaryo sa St. Peter’s Square sa Vatican noong Huwebes ng alas-nuebe ng gabi oras sa Roma.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 24,063 total views

 24,063 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 32,731 total views

 32,731 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 40,911 total views

 40,911 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 36,679 total views

 36,679 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 48,729 total views

 48,729 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 2,385 total views

 2,385 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 3,202 total views

 3,202 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top