Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Patuloy na pagkalinga sa palaboy at dukha, tiniyak ng AJKC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,161 total views

Itinuturing ni Divine Word missionary priest Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva, SVD na biyaya ng Panginoon ang nagpapatuloy na misyon at layunin ng Arnold Janssen Kalinga Center na naitinatag 10-taon na ang nakakalipas.

Ayon sa Pari na siya ring President and Founder ng Arnold Janssen Kalinga Foundation Inc. (AJKC), naging posible ang pagsasakatuparan ng institusyon sa misyon nitong kalingain ang mga palaboy at dukha sa lansangan sa tulong at biyaya ng Panginoon.

Pagbabahagi ni Fr. Villanueva, mahalaga ang pananalangin para sa patuloy na paggabay at pag-agapay ng Panginoon sa misyon ng AJKC na maging daluyan ng habag, awa at biyaya ng Panginoon para sa mga nangangailangan.

Nagpapasalamat rin ang Pari sa patuloy na suporta ng iba’t ibang institusyon ng Simbahan kabilang na sa Radyo Veritas sa patuloy na ibinabahagi ang misyon ng Arnold Janssen Kalinga Center sa nakalipas na 10-taon.

“Lahat ito ay biyaya, Everything Is Grace katulad ng tema at sa biyayang ito nagiging biyaya din tayo sa iba, nagiging misyon tayo sa iba yung salitang abot-abot ang biyaya, inabot tayo, pilit tayong inabot ng Diyos pakipot tayo, aabutin pa rin tayo ng Diyos, abot din tayo sa iba kaya sa pag-abot sa iba yun yung pagmimisyon, so Ito yung sampung taon na ating pinasasalamatan sa Diyos at sa pagpapatuloy, patuloy ring mananalangin, patuloy aabot, patuloy aasa sa kanyang biyaya at salamat sa inyo sa Radio Veritas sa Inang Simbahan sa inspirasyon at suporta.” Bahagi ng pahayag ni FR. Villanueva sa Radyo Veritas.

Inihayag naman ng Pari ang natatanging pangarap at panalangin ng Arnold Janssen Kalinga Center na maiangat ang buhay at maialis sa kalye ang bawat palaboy sa lansangan sa pamamagitan ng pagkalinga at pag-agapay para sa kanilang unti-unting pagbangon at pagbabagong buhay.

“Meron ng mga umaangat sa buhay at yung mga umaangat na dating nasa laylayan sila na yung kaagapay natin umaangat din sa kanilang kapwa na naroon pa sa laylayan, yun ang pangarap. It’s a vision, it’s a lifetime mission but then again ang panalangin ay ang hanggang may taong lansangan naroroon po ang Kalinga Foundation, Arnold Janssen Kalinga Foundation para mag-abot ng kalinga at paghilom sa dukha at sa mga biktima ng karahasan.” Dagdag pa ni Fr. Villanueva.

Bilang paghahanda para sa ika-10 anibersaryo ng Arnold Janssen Kalinga Center sa July 16, 2025 ay isang misa pasasalamat ang ipinagdiwang ni Fr. Villanueva kasama ang iba pang mga Pari mula sa Society of Divine Word (SVD) congregation at dinaluhan ng ilang donors, mission partners, at beneficiaries na tinutulungan na natulungan na ng AJKC sa loob ng nakalipas na 10-taon.
Taong 2015 ng itinatatag ng Society of Divine Word (SVD) congregation ang St. Arnold Janssen Kalinga Center sa pangunguna ni Fr. Villanueva upang magkaloob ng tulong para sa mga nangangailanngan lalo na ang mga palaboy sa lansangan.

Misyon ng AJKC ang makapagkaloob sa mga palaboy o walang tahanan ng libreng pagkain at pagkakataon upang makapaligo at makapaglinis ng katawan bilang pagbibigay halaga sa dignidad ng pagkatao ng isang indibidwal.

Batay sa pinakahuling tala ng AJKC noong Disyembre ng nakalipas na taong 2024, umabot na sa 824,116 ang natulungan ng pasilidad bukod pa sa iba pang mga programa ng AJKC kabilang na ang pagkakaloob ng Alternative Learning System sa mga nais na makapagtapos ng pag-aaral at pagtulong sa mga naiwang mahal sa buhay ng mga biktima ng EJK sa pamamagitan ng Project Paghilom na itinatag naman noong 2016 sa kasagsagan ng madugong War on Drugs ng adminisrasyong Duterte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 63,991 total views

 63,991 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 85,056 total views

 85,056 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 108,078 total views

 108,078 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 145,866 total views

 145,866 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top