FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,938 total reads

Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality.

Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David bilang chairman, ang bagong Commission for Synodality ng FABC katuwang ang pitong miyembro ng kumisyon na kinabibilangan rin ng dalawa pang Pilipino.

Layunin ng bagong Commission for Synodality na pangasiwaan ang patuloy na pagpapalakas sa pangako ng Simbahan sa pagsusulong ng synodality sa buong Asya.

Ayon sa pamunuan ng FABC, mahalaga ang patuloy na pagsusulong ng Simbahan sa rehiyon sa panawagan ng Santo Papa Francisco sa pagkakaroon ng isang ganap na Simbahang sinodal.

Naganap ang pagtatag sa bagong kumisyon sa katatapos lamang na FABC Central Committee’s annual meeting sa Camillian Centre sa Bangkok, Thailand noong ika-12 hanggang ika-13 ng Marso, 2025.

Si Cardinal David ang kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at vice president ng FABC.

Makakatuwang ni Cardinal David sa pangangasiwa sa bagong Commission for Synodality ang itinalaga bilang executive secretary ng kumisyon na si Fr. Clarence Devadass – isang Malaysian priest na matagal ng kasapi ng FABC Office of Theological Concerns kasama ang pitong magsisilbing miyembro ng kumisyon mula sa iba’t ibang kasaping bansa ng FABC.

Kabilang naman sa mga miyembro na bubuo sa bagong Commission for Synodality ng FABC sina Rev. Fr. William LaRousse, MM (FABC Central Secretariat), Dr. Christina Kheng (Singapore), Rev. Fr. Vimal Tirimana, CSsR (Sri Lanka), Ms. Estella Padilla (Philippines), Ms. Momoko Nishimura, SEMD (Japan), Rev. Fr. Enrico Ayo (Philippines), and Sr. Lalitha Thomas, SJT (India).

Ang lahat ng mga miyembro ng komisyon ay pawang aktibong lumahok sa parehong sesyon ng Synod on Synodality sa Roma kaya naman inaasahang ang kanilang mahalagang maiaambag kaugnay sa proseso at sa mga praktikal na aplikasyon nito para sa Asya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 24,628 total reads

 24,628 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 61,863 total reads

 61,863 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 80,074 total reads

 80,074 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 164,402 total reads

 164,402 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 200,636 total reads

 200,636 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 37,626 total reads

 37,626 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top