Patuloy na pananalangin kay Pope Francis, apela ng Papal Nuncio sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,684 total reads

Patuloy na hinihikayat ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang mga mananampalatayang Filipino na patuloy na ipanalangin ang Kaniyang Kabanalan Francisco.

Araw ng Linggo, nang lumabas na mula sa Gemelli Hospital sa Roma ang Santo Papa makalipas ang higit sa isang buwang pananatili sa pagamutan dulot ng bilateral pneumonia.

Ayon sa nuncio ang paglabas ng Santo Papa ay tugon sa dasal ng mga napakaraming taong humiling ng kaniyang paggaling mula sa karamdaman.

“We can say really our prayers are answered because the first days were really dangerous. His life was in danger. And then thanks be to God because of all of the prayers throughout the world especially here in the Philippines, he gradually improved and was able to return to Vatican City,” ayon kay Archbishop Brown sa programang Pastoral visit-on-the-air ng Radyo Veritas.

Noong Linggo, Sa kauna-unahang pagkakataon, nasilayan ng publiko si Pope Francis mula sa balkonahe ng pagamutan at nagbigay ng pagbabasbas sa mga nagtipon na mananampalataya.

“However, he is still frail and requires continued prayers. If you watch the video of his release, you’ll notice that he is not yet fully healed and is even coughing. Pneumonia can be aggressive, especially for someone of his age and condition, so we must keep praying for his complete and speedy recovery,” ayon pa sa kinatawan ng Holy See.

Pag-alis ng ospital, nagtungo ang Santo Papa sa Basilica of Mary Major upang manalangin sa imahen Maria Salus Populi Romani, bilang tanda ng kanyang pasasalamat sa proteksyon at pangangalaga ng Mahal na Birhen.

Una na ring nagpasalamat si Pope Francis sa mga doktor, kawani at pamunuan ng Policlinico Agostino Gemelli sa kanilang pag-aalaga sa kaniyang kalusugan.

Ayon sa mga opisyal ng ospital, ipagpapatuloy ni Pope Francis ang kanyang paggagamot sa kanyang tirahan sa Casa Santa Marta sa loob ng dalawang buwan at kakailanganin ang patuloy na oxygen therapy habang nagpapagaling.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 14,762 total reads

 14,762 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 50,351 total reads

 50,351 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 106,757 total reads

 106,757 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 229,688 total reads

 229,688 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 23,785 total reads

 23,785 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 23,639 total reads

 23,639 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »
Scroll to Top