Ika-12 edisyon ng 24 Hours for the Lord, isasagawa ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,023 total views

Muling makikiisa ang Archdiocese of Manila sa pagdiriwang ng ika – 12 edisyon ng 24 Hours for the Lord na pinasimulan ni Pope Francis noong 2014.

Sa liham sirkular ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula hinikayat nito ang nasasakupan na mag-organisa ng mga gawain sa kanilang komunidad sa March 28 hanggang March 29 alinsunod sa temang ‘You are my hope’ batay sa pagdiriwang ng Jubilee Year of Hope ngayong taon.

“I highly encourage all parishes, mission stations, chapels, especially the Jubilee Pilgrim Churches in the Archdiocese of Manila, and other ecclesial communities, to organize a celebration appropriate to their setting,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula.

Layunin ng 24 Hours for the Lord na muling ituon bilang sentro ng pastoral life ng simbahan ang sakramento ng pagbabalik loob o kumpisal lalo na sa mga komunidad.
Dahil dito hinimok ni Cardinal Advincula ang mga pari ng arkidiyosesis na maglaan ng panahon para sa pagpapakumpisal.

“I urge all priests “to offer generous availability and self-dedication to allow the greatest possible opportunity for the faithful to benefit from the means of salvation by making time to be available in the confessional” this sacred season of Lent,” ani Cardinal Advincula.

Karaniwang isinasagawa ang 24 Hours for the Lord isang araw bago ang ikaapat na Linggo ng Kuwaresma o ‘Laetare Sunday’ bilang paalala ng kagalakan sa nalalapit na pagdating ni Hesus sa Pasko ng Muling Pagkabuhay na nakaugat sa diwa ng pagpapanibago at pakikipagkasundo sa Diyos sa pamamagitan ng Sakramento ng Kumpisal.

Kasabay nito isinapubliko rin ng arkidiyosesis ang pastoral handbook kung saan nakapaloob ang rito ng pagdiriwang na mula sa Dicastery for Evangelization.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 56,462 total views

 56,462 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 89,544 total views

 89,544 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 117,895 total views

 117,895 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 185,627 total views

 185,627 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 204,844 total views

 204,844 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top