Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,819 total reads

Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue operations sa Myanmar matapos ang 7.7 magnitude na lindol na yumanig sa bansa.

Ayon kay Usec. Castro, mabilis na pinapakilos ng pamahalaan ang mga kinakailangang tulong upang suportahan ang mga karatig-bansa sa panahon ng sakuna.

“Nagmo-mobilize na po ng ating mga resources, para agad na makatulong sa ating mga karatig-bansa. Bukas nga po ang tentative travel deployment ng ating mga kumakatawan…ang grand total po ay 114 personnel ang ating ipapadala,” ayon sa pahayag ni Usec. Castro.

Ang mga personnel na ipapadala ay mula sa Department of Health (DOH), Urban Search and Rescue Team, Armed Forces of the Philippines (AFP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at APECS.

Bukod sa agarang pagtugon sa Myanmar, binigyang-diin din ni Usec. Castro ang kahalagahan ng paghahanda maging loob ng bansa.

Nanawagan siya sa mga lokal na pamahalaan (LGUs) na magsagawa ng earthquake drills at paigtingin ang kanilang kahandaan sa ganitong uri ng sakuna.

Hinimok din niya ang mga opisyal ng gusali na magsagawa ng masusing inspeksyon at higpitan ang pagbibigay ng building permits upang matiyak ang tibay ng mga istruktura laban sa lindol.

“Maliban sa gobyerno, tayong mga Filipino ay magtulungan sa paghahanda,” aniya, na nagpaalala sa lahat na ang kaligtasan ay responsibilidad ng bawat isa.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang mga ahensya ng gobyerno sa mga otoridad sa Myanmar upang matiyak ang maayos at mabilis na deployment ng mga tauhang Pilipino na tutulong sa disaster response efforts.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 79,026 total reads

 79,026 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 126,636 total reads

 126,636 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 174,507 total reads

 174,507 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 278,455 total reads

 278,455 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 360,880 total reads

 360,880 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top