Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 172,319 total reads

Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”.

Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang ito?

Nitong a-dos ng April, 2025 (APRIL 2, 2025) mahigit 2,700 katao na ang nasawi habang mahigit-kumulang sa 4,000 katao naman ang nasugatan at daan-daan pa ang nawawala sa 7.7-magnitude na lindol na tumama sa Myanmar at Thailand.. Mahigit 10,000-gusali ang nawasak sa napalakas na lindol(natural disaster). Ang bilang ng casualties ay maaring pang madagdagan habang patuloy ang search and rescue ng mga rescuers sa nasabing bansa.

Ang naganap na trahedya Kapanalig ay nakakapanlumo, lubhang nakakalungkot. Maraming naibuwis na buhay sa isang iglap lamang.

Maging babala at wake-up call sana sa ating mga Pilipino ang naganap na trahedya sa Myanmar na mayroong civil war sa kasalukuyan at Thailand.

Kung matindi ang trahedya sa Myanmar at Thailand… Sinasabi ng Office of the Civil Defense (OCD) na mas nakakapangilabot ang trahedyang idudulot kung tumama ang “The Big One” o 7.2 magnitude na lindol sa Metro Manila.. Tinataya ng OCD na posibleng umabot sa 50,000 ang death toll kapag tumama ang “The Big One”.

Kapanalig, kung pagbabasehan ang pag-aaral ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS), nangyayari ang paggalaw ng West Valley Fault system kada 400 hanggang 600-taon… Hindi ito panakot Kapanalig, inihayag ng PHILVOCS na malapit na ang paggalaw ng susunod na West Valley Fault system, na maaring magdulot ng 7.2-magnitude na lindol sa Metro Manila.

At base sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency(JICA) 20-taon na ang nakalipas, ang magnitude 7.2 na lindol na tatama sa Metro Manila ay posibleng magresulta sa pagkasawi ng 30,000 hanggang 50,000 katao… Posible ding magbunsod ang paggalaw ng Manila trench ng mas malakas na lindol na aabot sa magnitude 8.3 na magdudulot ng tsunami.

Ayon sa DOST-PHILVOCS, mayroong aktibong Valley Fault System (VFS) sa Pilipinas na binuo ng East Valley Fault na may habang 17.24-kilometro mula sa bayan ng Rodriguez hanggang San Mateo sa lalawigan ng Rizal at ang West Valley Fault o Marikina West Valley Fault na may habang 129.47-kilometro mula sa Dona Remedios Trinidad sa Bulacan na dadaan sa lungsod sa Marikina, Quezon City,Pasig, Taguig, Muntinlupa hanggang Calamba Laguna.

Ang problema sa atin Kapanalig, nakikita na ang mga crack sa kahabaan ng West Valley Fault, ibig sabihin, bawal ng tumira ang mga tao at magtayo ng mga gusali sa area… Walang sumusunod, walang naniniwala sa babala. Sinasabi ng mga eksperto, ang mabisang pag-iwas para maging ligtas sa mga natural disaster ay ang pagiging handa at pagdarasal..Hindi po akma dito ang kasabihang kapag oras mo na, oras mo na.

Sa ating paghahanda Kapanalig, pagnilayan natin ang “Matthew 8:26–“He replied, ‘You of little faith, why are you so afraid?’ Then he got up and rebuked the winds and the waves, and it was completely calm.”

“Jeremiah 29:11-“For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 23,181 total reads

 23,181 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 60,547 total reads

 60,547 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 78,758 total reads

 78,758 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 163,086 total reads

 163,086 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 199,379 total reads

 199,379 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bayan, hindi bayad

 23,182 total reads

 23,182 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 60,548 total reads

 60,548 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 78,759 total reads

 78,759 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 163,087 total reads

 163,087 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »
Scroll to Top