Librong Carlo Acutis in the footsteps of St.Francis at Clare of Assisi, inilathala ng Diocese of Assisi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,390 total views

Inilathala ni Diocese of Assisi Italy Bishop Domenico Sorrentino ang librong ‘Carlo Acutis in the footsteps of Francis and Clare of Assisi’.

Ito ay upang maibahagi sa mundo ang kuwento ng buhay ng tatlong banal na sina Saint Francis, Saint Clare of Assisi at kung paano sinimulan ni Blessed Carlo Acutis ang pagpapalaganap ng pananampalataya.

“Who is Carlo? A boy of our time, full of life and interests, passionate about computers, with a heart full of God and in love with Jesus Eucharist. Although he lived in Milan, he periodically resided in Assisi with his family, refining his spiritual journey in the footsteps of Francis and Clare. Three very different and original figures, distant in time, but united by a common thread that this book highlights,” ayon sa mensaheng pinadala ng Diocese of Assisi sa Radio Veritas.

Ayon kay Bishop Sorrentino, tinatalakay sa libro ang pananampalataya ni Blessed Acutis, kanyang relasyon pananalangin at relasyon kina Saint Francis at Clare upang mapalaganap ang pananampalataya.

Inaanyayahan ng Diocese of Italy ang pagbabasa ng libro upang higit na maintindihan ang kahalagahan ng pamumuhay ng mga banal katulad ng mga Santo ng simbahang katolika.
“‘Carlo Acutis in the footsteps of Francis and Clare of Assisi – Originals, not photocopies’ (Edizioni Francescane italiane, pp. 160) which explains the relationship of the Blessed with Saint Francis and Saint Clare, the bond with the city, the powerful unique message of evangelization that together they send to the world,” bahagi pa ng mensahe ng Diocese of Assisi sa Italy.
Si Saint Francis of Assisi ay mula sa Italya noong 1100s na kilala bilang patron ng mga hayop, kalikasan, at mahihirap, matapos tawagin ng Panginoon upang maglingkod ay iniwan ng Santo ang marangyang pamumuhay upang tularan ang Panginoong Hesukristo kasunod ng kaniyang pagtatag sa Order of Friars Minor.
Si Saint Clare of Assisi naman ay isa sa mga tagasunod ni Saint Francis na isinilang noong 1194 sa marangyang pamumuhay na kalaunan ay nilisan din ng Santo upang mamuhay ng simple at ilaan ang buhay sa paglilingkod sa mga dukha.

Itinatag din ni Saint Clare ang kongregasyon ng ‘Poor Clares’ ng mga Madreng namumuhay ng taimtim, banal, mahirap at tahimik.

Habang si Blessed Carlo Acutis ay isang batang Italyanong Katoliko na isinilang noong 1991 at namatay noong 2006 sa edad na 15 dahil sa leukemia at sa murang edad ay naging kilala si Blessed Acutis sa kaniyang pagpapagalaganap ng pananampalataya at pagdedebosyon gamit ang teknolohiya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 4,200 total views

 4,200 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 178,134 total views

 178,134 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 155,767 total views

 155,767 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 219,801 total views

 219,801 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 239,279 total views

 239,279 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top