Code white alert, ipinatupad ng DOH

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,552 total reads

Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana Santa ngayong taon.

Binigyang-diin ni Health Secretary Ted Herbosa ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan at kaligtasan ng publiko upang maging mapayapa at makahulugan ang pagdiriwang para sa lahat.

Ayon kay Herbosa, mahalaga ito lalo na sa mga maglalakbay pauwi sa mga probinsya, magsasagawa ng Visita Iglesia o pilgrimage, at sa mga dadalo sa mga pagtitipon ng pamilya.

“Maging alerto po tayo sa mga kalsada ngayong karamihan ay magbibiyahe. At dahil din po sa matinding init, mag-iingat din po tayo sa epekto nito sa katawan,” ayon kay Herbosa.

Tinututukan ngayon ng DOH ang heat-related illnesses tulad ng heat exhaustion at heat stroke, na mapanganib lalo na para sa mga bata, matatanda, persons with disability (PWD), at mga manggagawang lantad sa init o outside workers.

Kabilang sa mga paalala ng kagawaran upang maiwasan ang mga karamdaman ngayong tag-init ay ang pag-iwas sa matagal na pagkakalantad sa init ng araw mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon; palagiang uminom ng walo hanggang sampung baso ng tubig; gumamit ng payong, pamaypay, o sumbrero kapag lalabas ng bahay o gusali; at magsuot ng magaan, maluwag, at maaliwalas na damit.

Sakali namang may kasamang makaranas ng sintomas ng heat-related illness, agad itong ilipat sa malamig at maaliwalas na lugar; palamigin ang katawan gamit ang ice pack, pamaypay, at tubig; at agad na tumawag sa emergency 911 at DOH Hotline 1555.

“We encourage everyone to observe the Holy Week responsibly. Magpunta po sa mga DOH hospitals na tuloy-tuloy na naka-antabay at magbibigay ng healthcare services sa mangangailangan nito ngayong Semana Santa,” dagdag ni Herbosa.

Mananatiling nakataas ang Code White Alert hanggang April 20, 2025, o Linggo ng Pagkabuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 67,044 total reads

 67,044 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 99,411 total reads

 99,411 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 201,237 total reads

 201,237 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 241,795 total reads

 241,795 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 259,523 total reads

 259,523 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 136,887 total reads

 136,887 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top