Bagong assignment ng mga pari sa Diocese of Tagbiliran, isinapubliko ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,939 total reads

Inihayag ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy na ang mga langis na binasbasan ng simbahan tuwing Chrism Mass ay tanda at paalalang makibahagi sa misyon ni Hesus.

Ayon sa obispo sa pamamagitan ng mga sakramento ng simbahan nawa’y magdudulot ito ng pag-asa sa pamayanan lalo’t higit ang mga pinanghihinaan.

Pinangunahan ni Bishop Uy ang Chrism Mass ng diyosesis nitong Lunes Santo, April 14, kung saan kasabay ng pagbabasbas ng mga langis ay isinagawa rin ang pagsariwa ng pangako ng mga pari sa kanilang tungkuling pagpapastol sa kawang ipinagkatiwala sa kanilang pangangalaga.

“The oil we bless today is not just a symbol, but a sign of the mission we are called to embrace: To be bearers of hope in a world that thirsts for it” bahagi ng pagninilay ni Bishop Uy.

Kabilang sa mga binabasbasang langis ang para sa mga maysakit, langis para sa mga inihahanda sa binyag at banal na krisma.

Ito ay ginagamit ng simbahan sa paghahatid ng mga sakramento tulad ng binyag, kumpil, para sa mga may karamdaman at pag-oorden sa mga pari ng simbahan.

Ngayong taon kasabay ng pagsariwa ng pangako ng mga pari sa kanilang tungkulin sa simbahan ay isinapubliko rin ni Bishop Uy ang bagong assignment ng mga pari para sa halos 60 mga parokya, mission stations, chapels, parochial schools at iba pang tanggapan ng diyosesis.

Kabilang sa mga itinalaga ng obispo sa kanilang tungkulin bilang Vicar General si Fr. Gerardo Saco, Jr.; Chancellor naman si Fr. Heraldin Laniba; Oeconomus si Fr. Jofel Naraga; Judicial Vicar si Fr. Milan Ted Torralba habang Judge of the Tribunal of the First

Instance naman sina Fr. Torralba kasama sina Msgr. Harold Anthony Parilla at Fr. Frankeley Balladares, PACEM.

Katuwang ni Bishop Uy sa pagpapastol sa halos isang milyong katoliko ng Diocese of Tagbilaran ang humigit kumulang 180 mga pari na mayorya ay diocesan priests.

Umapela naman si Bishop Uy sa mananampalataya na patuloy ipanalangin ang mga pari na manatiling tapat sa tungkuling mangalaga sa pastoral at espiritwal na pangangailangan ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 76,875 total reads

 76,875 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 179,179 total reads

 179,179 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 215,967 total reads

 215,967 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 246,542 total reads

 246,542 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 291,755 total reads

 291,755 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top