Pagpapaalis sa mga armadong guwardiya, hiling ng mga residente ng Mariahangin sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,144 total reads

Patuloy ang panawagan ng mga residente ng Sitio Mariahangin sa Bugsuk, Balabac, Palawan para sa agarang tulong upang mapaalis ang mahigit 50 armadong blueguards na nananatili pa rin sa isla.
Kabilang ang nasabing grupo sa halos 100 guwardiyang dumating sa lugar noong April 4, 2025, na nagdulot ng matinding takot sa mga katutubo, na karamiha’y Molbog at Cagayanen, dahil sa pangambang mapalayas mula sa lupaing ninuno.

Sa pagbisita ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona noong April 13, ibinahagi ng mga residente ang nararanasang panliligalig na may kaugnayan sa binabalak na pagtatayo ng eco-resort ng isang korporasyon.

Ayon kay Angelica Nasiron, nais lamang nilang mamuhay nang payapa at walang iniisip na banta ng sapilitang pagpapalayas.

“Ngayon kasi, Bishop, makarinig lang kami ng kakaibang tunog, natataranta na kami. Pakiramdam namin, laging may parating na mga kalaban,” ayon kay Nasiron.

Simula nang dumating ang mga armadong guwardiya, nagpatuloy ang pagba-barikada ng mga residente upang mabantayan ang komunidad mula sa anumang banta ng pananakot o pagsalakay.

Sa kabila nito, nakaalerto naman ang mga tauhan ng Police Mobile Force Company na naatasang magbantay sa kaligtasan sa Sitio Mariahangin.

Tiniyak naman ni Bishop Mesiona sa mga residente ang pakikiisa ng simbahan at binigyang-diin ang kahalagahan ng pananalig at pagiging mahinahon sa gitna ng pagsubok.

“Gusto namin magbigay ng pag-asa sa inyo, maiparamdam na may nagdarasal para sa inyo, na may gustong makinig sa inyong mga hinaing… ’Wag lang mawalan ng pag-asa; makakamit din natin ang tagumpay… Magmahinahon lang kayo at huwag magpadala sa bugso ng damdamin,” ayon kay Bishop Mesiona.

Nakasama ng obispo sa pagbisita sina Fr. Diego Orcino, SVD, kura paroko ng Sto. Niño de Macadam Parish sa Rio Tuba na may saklaw sa Mariahangin, at Fr. Jumen Arcelo, OSM, kura paroko ng Our Lady of Guadalupe Parish, Luzviminda, Puerto Princesa.

Tinatayang nasa 96 na pamilya ang naninirahan sa Sitio Mariahangin, kung saan 12 pamilya rito ang mga Katoliko.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 29,478 total reads

 29,478 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 18,154 total reads

 18,154 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 54,761 total reads

 54,761 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 156,583 total reads

 156,583 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 197,142 total reads

 197,142 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 217,022 total reads

 217,022 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 134,904 total reads

 134,904 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top