Radio Veritas at La Consolacion University Philippines, lumagda sa kasunduan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,589 total reads

Tiniyak ng pamunuan ng La Consolacion University Philippines – Malolos ang paghuhubog sa pananampalataya ng kanilang mga mag-aaral.

Ito ang mensahe ni Sr. Niceta Vargas, OSA, PhD, matapos lumagda ng kasunduan ang institusyon sa pagitan ng Radio Veritas para sa ika – 12 edisyon ng Campus Hour.

Sinabi ng madre na layon nitong habang hinuhubog ang pagkatao ay mapapaigting ang kamalayan hinggil sa pananampalataya upang maging handa ang bawat kabataan sa pakikibahagi sa misyon ng simbahan.

“Napakahalaga ng formation ng faith, aside from lahat ng mga academic, mga activities na ginagawa ng mga estudyante para sa paghuhubog ng kanilang sarili, ay talagang napakahalagang sentro sa amin yung faith development. Kaya, isa sa mga core values namin ay sana ang mga estudyante, pagkatapos ng kanilang pag-aaral, o doon pa man habang nag-aaral sila ay mapupukaw na yung pagiging mga misyonero nila,” pahayag ni Sr. Vargas sa Radio Veritas.

Ayon kay Sr. Vargas na sa pamamagitan ng pagkakaroon ng programa ng kanilang mga estudyante sa Radio Veritas platforms ay magkaroon ng wastong kamalayan ang mga kabataan sa pagpapalaganap ng mga Salita ng Diyos.

Ibinahagi ng madre na kabilang din sa programa ng LCUP sa pamamagitan ng Augustinian Youth Organization ay tinuturuan ang mga kabataan na mahalin ang Banal na Eukaristiya, maglingkod sa mga banal na misa, magmahal sa kapwa, maging mga gawaing social action at maging ang pagkakaroon ng formation activities upang higit nilang makilala ang kanilang sarili.

Naniniwala si Sr. Vargas na sa pamamagitan ng radyo at iba pang media platform ng Radio Veritas ay mas lumawak at mas maraming maaabot ang kanilang mga estudyante sa pagpapahayag ng Mabuting Balita.

Ginanap ang paglagda sa memorandum of agreement sa Veritas Chapel kung saan kasama ni Sr. Vargas sina Dr. Enrico Rosales, Assistant to the President for External Affairs, Dr. Aileen De Castro – Cruz, program head ng AB Communication, at Dr. Yen Ocampo, LCUP Faculty habang sa panig ng himpilan ay si Radio Veritas incoming President, Fr. Roy Bellen.

Magsisimula ang 12th edition ng Campus Hour para sa LCUP sa unang sabado ng Mayo at magtatapos sa huling sabado ng buwan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 238,537 total reads

 238,537 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 270,266 total reads

 270,266 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 372,092 total reads

 372,092 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 412,653 total reads

 412,653 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 423,330 total reads

 423,330 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top