Mamamayang Pilipino, hinimok na iwasan ang pagsusulong kay Cardinal Tagle na susunod na Pope

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,933 total reads

Sa gitna ng pagluluksa sa pagpanaw ni Pope Francis, nananawagan ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na iwasan muna ng publiko ang hayagang pagsusulong kay Cardinal Luis Antonio Tagle bilang susunod na Santo Papa.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs, ang usapin ng susunod na pinuno ng simbahan ay pagpapasyahan ng mga cardinal electors sa gaganaping conclave.

“We leave it to the Cardinal-electors to decide who will succeed Pope Francis. It’s not prudent for the people to publicly push for Cardinal Tagle as the next Pope since it may be misconstrued that the conclave can be influenced by outside forces if and when Cardinal Tagle indeed becomes the next pontiff,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Fr. Secillano sa Radyo Veritas,
Iginiit ng opisyal na mahalaga ang pagiging malaya at independyente ng mga cardinal-electors sa pagpili ng magiging pinuno ng Simbahang Katolika, at hindi dapat makialam ang sinuman sa labas ng conclave.

“The independence of the electors should be respected, and the least that we can do is to pray for Cardinal Tagle and the rest of the Cardinal-electors,” dagdag pa niya.
Ang conclave ay ang sagradong pagpupulong ng mga cardinal ng Simbahang Katolika upang pumili ng bagong Santo Papa kapag ang dating Papa ay namatay o nagbitiw sa tungkulin.
Ang Conclave ay binubuo ng mga cardinal-electors na wala pang 80-taong gulang sa araw ng pagkamatay ng Santo Papa.

Sa kasalukuyan ay may 135 ang cardinal-elector ang simbahan, kabilang na ang tatlong cardinal ng Pilipinas na sina Cardinal Tagle-ang dating arsobispo ng Maynila at kasalukuyang miyembro ng Roman Curia sa Vatican, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, pangulo ng CBCP at Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Sa ngayon, nakatuon ang Simbahang Katolika sa pagbibigay-pugay sa yumaong Santo Papa, habang inaasahan ang pagpupulong ng mga cardinal upang itakda ang petsa ng conclave kung saan pipiliin ang susunod na pinuno ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 22,602 total reads

 22,602 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 60,003 total reads

 60,003 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 78,214 total reads

 78,214 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 162,542 total reads

 162,542 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 198,852 total reads

 198,852 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top