Ipagdasal ang conclave, panawagan ni Bishop Mesiona sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,475 total reads

Hiniling ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona sa nasasakupang mananampalataya na magbuklod sa panalangin para sa isasagawang conclave ng mga cardinal.

Sinabi ng obispo na tungkulin ng mga kristiyano ang ipanalangin ang mga cardinal upang sa tulong at gabay ng Banal na Espiritu ay maihalal ang kahalili sa namayapang si Pope Francis.

“The College of Cardinals is now tasked with selecting the new pope in a conclave. We can participate in this process by praying for the gift of discernment so that the Cardinal – electors may choose the right successor to Pope Francis,” ayon kay Bishop Mesiona.

Batid ni Bishop Mesiona ang lungkot na naranasan ng buong simbahan sa pagpanaw ng punong pastol lalo’t ang mga turo nito ay nakatutulong sa iba’t ibang antas ng buhay at pamumuhay ng mamamayan.

Hinikayat ng obispo ang mga parokya, religious groups at Basic Ecclesial Communities ng bikaryato na magsagawa ng ‘prayer gatherings’ para sa natatanging intensyong gabayan ang mga cardinal sa mga araw na pipili ng bagong santo papa.

Ipinagdarasal ng Obispo na bilang simbahang sinodal nawa’y magbuklod ang pamayanan sa pananalangin para sa mga cardinal – electors upang maging mabunga ang mga araw ng pananalangin at pagninilay.

“Let us seek the Holy Spirit’s guidance for the College of Cardinals during this crucial time as they collectively discern who to elect as the successor of Petrine responsibility as leader of the Church for today and the future,” dagdag ni Bishop Mesiona.
Kasalukuyang sede vacante ang Vatican City kung saan naninirahan ang santo papa ang obispo ng Diocese of Rome kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis noong April 21 dahil sa karamdaman.

Ayon sa datos sa mahigit 200 cardinal sa mundo, 135 rito ang cardinal-electors kabilang na ang tatlong Filipino cardinals na sina Cardinals Luis Antonio Tagle, Jose Advincula, at Pablo Virgilio David.

Makaraan ang Novendialis o pasiyam kay Pope Francis maghahanda na ang mga cardinal sa isasagawang conclave kung saan nauna nang isinagawa ang general conference ng mga cardinal ng simbahan.

VP Sara at asawa, may 51-baril

 984 total reads

 984 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 2,985 total reads

 2,985 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 3,020 total reads

 3,020 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 13,548 total reads

 13,548 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 63,377 total reads

 63,377 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 85,467 total reads

 85,467 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 185,287 total reads

 185,287 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 217,911 total reads

 217,911 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top