Malaking ambag ng mga manggagawa sa ekonomiya, kinilala ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,316 total reads

Nagpahayag ng pagkilala sa mga manggagawa ang humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Sa magkaalinsabay na paggunita kay San Jose Manggagawa at sa Araw ng Paggawa ay binigyang pugay ng Caritas Philippines ang mga manggagawang Pilipino hindi lamang sa bansa kundi maging sa ibayong dagat.

Ayon sa Caritas Philippines na pinangangasiwaan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, mahalagang bigyang pagkilala ang pagsusumikap ng mga manggagawa na maghanapbuhay hindi lamang para sa kanilang pamilya kundi maging para sa ekonomiya at kinabukasan ng bansa.

“Today, as we commemorate Labor Day and honor St. Joseph the Worker, we see his spirit of dedication reflected in every Filipino worker. Your unwavering efforts drive our nation forward, as you strive to create a better life for your families and the future generations.” Bahagi ng mensahe ng Caritas Philippines.

Bilang pakikiisa sa mga manggagawa ay nanawagan ang Caritas Philippines sa pamahalaan upang bigyang pansin ang pagkakaroon ng naaangkop na sahod at benepisyo para sa paggawa na isang paraan din ng pagbibigay halaga sa dignidad at karapatang pantao ng bawat manggagawa.

Paliwanag ng Caritas Philippines, kinakailangan ang pagkakaisa ng lahat para sa pagsusulong ng isang lipunang may ganap na pagpapahalaga sa kapakanan ng bawat isa lalo’t higit ng mga manggagawa na nagsisilbing haligi ng ekonomiya ng bansa.

“However, many still struggle to reap the full benefits of your hard work. We call on the government to champion a living wage—one that truly meets the basic needs of every worker and upholds their dignity. Let us stand united in building a society that genuinely values our workers, ensuring fairness, respect, justice, and dignity for all.” Dagdag pa ng Caritas Philippines.

Kaugnay nito, inilaan ng namapayapang ni Pope Francis ang intensyon ng pananalangin para sa buwan ng Mayo para sa kapakanan at kalagayan ng mga manggagawa.

Bahagi ng panawagan ng yumaong punong pastol ng Simbahang Katolika ang pananalangin para sa pagkakaroon ng ligtas na working environment ng bawat manggagawa sa buong daigdig kung saan tuwina ring nabibigyang halaga ang dignidad ng bawat isa.

Sa Pilipinas magkaalinsabay na ipinagdiriwang sa bansa ang Labor Day o Araw ng Paggawa at paggunita kay San Jose Manggagawa, lingkod ng Diyos na kanyang inatasan ng isang napakahalagang gawain, hindi lamang ang pagkakarpentero kundi ang gawain na maging tagapag-alaga ng anak ng Diyos.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 10,252 total reads

 10,252 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 25,470 total reads

 25,470 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 129,061 total reads

 129,061 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 169,619 total reads

 169,619 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 190,073 total reads

 190,073 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 237,900 total reads

 237,900 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 10,256 total reads

 10,256 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top