Pagnilayan ang mga iboboto sa Midtern election, paalala ng Stella Maris sa mga OFW, seafarer at migrante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,505 total reads

Nanawagan si Stella Maris Philippines CBCP-Bishop Promoter Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga Overseas Filipino Workers (OFW), Filipino Migrants at Seafarers na pagnilayan ang mga ibobotong susunod na lider ng Pilipinas sa nalalapit na 2025 midterms election.

Ayon sa Obispo, nawa sa May 12 na araw ng botohan ay alalahanin ng bawat Pilipino ang 4Ps o ang Programa para sa trabaho, Pangangalaga sa buhay at inyong mahal sa buhay na naiwan, Paggalang sa inyo at sa inyong karapatang pantao at ang Pagpaparusa sa mga nanglilinlang, umaabuso at nagpahamak sa inyo.

Ayon pa kay Bishop Santos, sa panuntunan naman ng 4PS ay dapat alalahanin ng mga Pilipino na iboto ang mga kandidatong may matibay na mga programa tungo sa pagpapaunlad sa buhay ng mga manggagawa at OFW upang matiyak na patuloy ang pag-unlad ng sektor.

Ito ay ang pagpili sa mga kandidatong magbibigay proteksyon sa kapakanan o karapatan ng bawat Pilipino kasunod ng pagpili sa mga mayroong respeto at tunay na pakikiisa sa sa mga sa mga OFW at Filipino Migrants, at ang huli ay ang pagpili sa mga lider na gagamitin ang batas upang makamit ang tunay na katarungan at mailayo ang mga Pilipino sa anumang uri ng kapahamakan

“Our vote shapes our future. It is similar to planting seeds that will yield the harvest we hope for. The leaders we elect will have an undeniable impact on our lives. For the sake of a bright, peaceful, and prosperous future, let us reflect and pray earnestly before making our choices,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Kasunod ito ng paalala ni Bishop Santo sa pagpapahalaga sa Karapatan, Katungkulan at Kinabukasan ng bawat Pilipino sa halalan.

Ito ay dahil bilang Pilipino, karapatan ng bawat isa na bumoto na naayon sa kanilang marangal na pagpili ng hindi nakakaranas ng anumang paniniil, kasunod ito ng katungkulan ng bawat Pilipino na bumoto gamit ang isip at puso dahil ito ay isang napalakaking responsibilidad na magpapanitili o makakapagpabago sa kinabukasan ng sambayanan at ikatlo ay dahil nakasalalay ang kinabukasan ng bawat Pilipino sa mga ihahalal sa Midterm Elections

“Those we elect must be individuals of integrity and goodwill, prioritizing the welfare of others above personal or familial interests. They must dedicate their time and energy to promoting the common good, ensuring your repatriation when needed, providing equal employment opportunities, and not promoting our nation as a country that is reputable for manpower export,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ipinaparating din ni Bishop Santos ang pasasalamat sa mga OFW, Filipino Migrants at Seafarers na patuloy na nagsasakripisyo upang masuportahan ang kanilang pamilya o mahal sa buhay na naiiwan sa Pilipinas na tinutulungan din ang ekonomiya ng Pilipinas na umunlad sa pamamagitan ng kanilang remittance rate.

Sa pinakahuling tala ng Philippine Statistics Authority, umaabot sa 2.16-million ang bilang ng mga OFW sa ibayong dagat, habang noong 2024 umabot sa 38.3-Billion US Dollar na katumbas ng 2.2-Trillion Pesos ang kabuoang Remittance Rate ng mga OFW.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 18,326 total reads

 18,326 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 31,266 total reads

 31,266 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 147,045 total reads

 147,045 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 267,624 total reads

 267,624 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 316,180 total reads

 316,180 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 18,327 total reads

 18,327 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 42,634 total reads

 42,634 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »
Scroll to Top