Sub-standard na bollards sa NAIA terminal 1 , pinapaimbestigahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,791 total reads

Inatas ng Malacañang ang agarang pagsasagawa ng imbestigasyon sa sinasabing substandard o depektibong bollards na naka-lagay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ang kautusan ay kasunod ng naganap na insidente kung saan dalawang katao ang nasawi, kabilang na ang isang 5-taong gulang na batang babae matapos masagasaan ng SUV.

Batay sa inisyal na ulat, sinasabing nawalan ng kontrol ang driver ng SUV at sumalpok sa mga bollards sa labas ng paliparan.

Sa halip na mapigil ang sasakyan, ay nagpatuloy ito sa pag-andar at bumangga sa mga taong nasa paligid, na nagresulta sa pagkasawi ng dalawa at pagkakasugat ng ilan pang indibidwal.
Isa sa mga tinutukoy na posibleng sanhi ng insidente ay ang mahinang kalidad ng bollards na hindi nakapagsilbing epektibong harang.

Ang bollards ay isang posteng harang na inilalagay sa mga pampublikong lugar tulad ng bangketa, kalsada at paliparan, na nagsisilbing proteksyon sa mga gusali at pedestrian upang pigilan ang mga sasakyan.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro, ikinalulungkot ng pamahalaan ang insidente, lalo na kung mapatutunayang ang mga bollards ay hindi tumugon sa nararapat na pamantayan ng kaligtasan.

Ang naturang bollards ay na-install noong Hulyo 2019 sa ilalim ng nakaraang administrasyon, partikular sa panahon ng dating Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade.
“Sa direktiba ng Pangulo, iniimbestigahan na ang proseso ng procurement at ang mga teknikal na detalye ng nasabing proyekto,” ani Castro. “Kaagad ding inatasan si Secretary Vince Dizon na pangunahan ang pagsusuri sa kasalukuyang mga bollards at tiyakin ang kanilang agarang pagpapalit upang mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko.”

Iginiit ni Castro na hindi palalagpasin ng administrasyon ang anumang uri ng kapabayaan, lalong-lalo na kung ito ay may kaugnayan sa katiwalian sa mga kontrata ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 94,887 total reads

 94,887 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 188,917 total reads

 188,917 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 233,185 total reads

 233,185 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 256,294 total reads

 256,294 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 327,087 total reads

 327,087 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top