Conclave, isang prayer session

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,218 total reads

Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para sa mga cardinal sa halip ay isang pambihirang gawain para sa buong Simbahang Katolika.

Ayon kay Fr. Gaston na siya ring Correspondent ng Radyo Veritas sa Roma, ang Papal Conclave ay hindi katulad ng isang political exercise gaya ng nakatakdang halalan sa bansa sa halip ay isang prayer session o pagkakataon na higit na manalangin ang lahat upang gabayan ng Banal na Espiritu ang mga cardinal electors sa pagpili ng susunod na punong pastol ng kawan ng Diyos.

Pagbabahagi ng Pari, sinisimbolo rin ng pulang damit ng mga cardinal electors ang kasagraduhan ng Papal Conclave na magtatakda sa susunod na Santo Papa ng Simbahang Katolika.

Paliwanag ni Fr. Gaston, “Ang Conclave kasi, hindi ito isang political exercise kumbaga na yung alam natin sa labas kundi this is a prayer session, this is a liturgical kaya yung suot ng mga Cardinal naka-pula sila, ito din suot nila kapag may liturgy sa Vatican, may dasal sila sa kanilang mga Cathedral na very especial na dasal, ito yung suot nila pula kaya yung mga cardinal ngayon hindi sila naka-itim na sotana o kaya hindi sila naka-clerical attire, naka Roman collar hindi [sa halip] naka-liturgical [na damit na pula] kasi nagdadasal at hinihiling nila na lahat din tayo magdasal kaya itong Conclave isang activity ng buong Simbahan, hindi lamang ng mga cardinal.”

Nilinaw rin ni Fr. Gaston na bawal at walang pangangampanya o maging block voting sa pagsasagawa ng Papal Conclave kung saan maaring ma-ex-communicate ang sinumang mapapatunayan na lumabag dito.

“Itong halalan ng Santo Papa hindi ito kagaya ng halalan sa usually sa pulitika na mangangampanya, na block voting, bawal na bawal yan pwedeng ma-ex-communicate meaning matanggal sa Simbahan yung Cardinal mismo… at required yung Cardinals na isumbong, isusumbong nila kapag may cardinal na gumawa ng ganun at hindi lang ganun, ma-ex communicate lahat ng envolve, lahat ng nag-offer at lahat ng tumanggap ng ganitong klaseng offer.” Dagdag pa ni Fr. Gaston.

Kasalukuyang isinasagawa ang conclave sa Sistine Chapel sa Vatican, kung saan 133 mula sa 252 kardinal sa buong mundo ang kabilang sa cardinal electors na pipili ng susunod na Santo Papa.

Upang maihalal ang bagong Santo Papa, kinakailangan ang boto ng hindi bababa sa two-thirds ng kabuuang bilang ng cardinal electors o hindi bababa sa 89 cardinals.

Ayon sa tradisyon, itim ang usok ang makikitang lumalabas mula sa chimney ng Sistine Chapel kapag wala pang napipili ang mga kardinal, habang puting usok naman ang hudyat ng pagkakahalal sa bagong punong pastol ng Simbahang Katolika.

Sa naganap na botohan para sa pagsisimula o unang araw ng Conclave ay itim na usok ang nakita na lumalabas sa chimney ng Sistine Chapel eksaktong alas-nuebe ng gabi sa Roma na alas-tres ng madaling araw dito sa Pilipinas, dahil dito magpapatuloy ang Conclave ngayong araw kung saan nakatakda ang pagsasagawa ng apat na botohan, dalawa sa umaga at dalawa sa hapon hanggang sa makapili ng susunod na Santo Papa.

Samantala, alinsunod sa panuntunan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Liturgy ay patuloy namang uusalin sa mga Misa ang “Panalangin para sa Pagpili ng Santo Papa”, kapalit ng Oratio Imperata para sa Bayan, gayundin ang pagdaragdag ng intensyon sa Panalangin ng Bayan.

Sakali namang mapili na ang bagong Santo Papa ay isasama ang kanyang pangalan sa Eucharistic Prayers, gayundin ang pananalangin ng pasasalamat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 101,635 total reads

 101,635 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 195,661 total reads

 195,661 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 239,931 total reads

 239,931 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 263,039 total reads

 263,039 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 333,550 total reads

 333,550 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top