Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 31,605 total views

Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies.

Sa mga kaso ng road rage, sinususpendi lamang ng Land Transportation Office o LTO ang lisensiya ng mga kasangkot na “kamote drivers”.

Noong nakalipas na lingo, 12-katao na kinabibilangan ng apat na taong gulang na bata ang nasawi at 28-katao ang nasugatan ng banggain ng rumaragasang pampasaherong bus ang tatlong kotse at isang closed van sa toll plaza ng SCTEX northbound.Sinasabing naka-idlip ang bus driver habang nagmamaneho na nagresulta sa trahedya.

Kasunod nito, dalawa ang namatay na kabilang ang isang 5-taong gulang na batang babae habang apat ang nasugatan ng sagasaan ng isang humaharurot na SUV ang bollards o vehicle barriers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1.

Siyempre Kapanalig, kapag may aksidente…may imbestigasyon… Inaalam na ng mga otoridad kung sino ang nagpagawa ng mga depektibong protective bollards na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang katao… Akalain mo Kapanalig, kung hindi depektibo ang bollards, wala sanang namatay.

Dahil sa sunod-sunod na aksidente, iminungkahi ng pamahalaan na isa-ilalim sa drug test kada lingo ang lahat ng tsuper ng Public Utility Vehicles upang maiwasan ang aksidente sa daan.. Pero Kapanalig, hindi ito ang sagot sa problema.. Ang bus driver na sumagasa sa mga sasakyan sa SCTEX ay negatibo sa drug test… Saan ang problema?

Ang totoo Kapanalig, ang problema ay ang pagkakaloob ng LTO ng driver’s license, marami sa nabigyan ng driver’s license ay mga kamote driver…walang karapatan…hindi karapat-dapat na bigyan ng lisensiya.. Napapanahon na isa-alang alang LTO ang karakter, pag-uugali at personalidad ng isang mamamayan na naghahangad na magmaneho ng alinmang uri ng sasakyan, pampasahero man o pribado…Nararapat sa isang tsuper ay responsable… may disiplina… may pagpapahalaga at malasakit sa kanyang mga pasahero…mapagkumbaba… mahaba ang pasensiya…sumusunod sa mga batas sa lansangan.

Importante din na gawing accountable ng Department of Transportation ang mga may-ari ng PUV sa road worthiness ng mga sasakyan.. Mahigpit na ipatupad ng DoTR ang Republic Act (RA)4136 o Land Transportation and Traffic Code.. Ang batas trapiko ay dapat ipatupad ng iba’t-ibang law enforcement agency.. hindi ang pangongotong…under the table transaction sa pagkuha ng drivers license…issuance ng mga prangkisa…

Huwag kang mag-alala Kapanalig, nangako naman si PBBM na magpatupad ng reporma sa transport system ng bansa upang matigil na ang mga aksidente sa lansangan na nagbubuwis ng buhay… Yun nga lang, anong reporma kaya?

Kapanalig lagi nating isabuhay ang pagdarasal para sa ating kaligtasan.. Sa ating paglalakbay, isapuso natin ang Proverbs 3:6 – “In all your ways submit to him, and he will make your paths straight.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 5,636 total views

 5,636 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 25,559 total views

 25,559 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 31,606 total views

 31,606 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 40,168 total views

 40,168 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 48,173 total views

 48,173 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 5,637 total views

 5,637 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

May magagawa tayo

 25,560 total views

 25,560 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Functional Literacy Crisis

 40,169 total views

 40,169 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 48,174 total views

 48,174 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top