Walang pananagutan, hindi dapat ihalal opisyal ng bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,362 total reads

Binigyang diin ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy na walang maliit na pananagutan o responsibilidad ang dapat na ipagsawalang bahala ng mga opisyal ng bayan.

Ito ang binigyang diin ng Obispo kaugnay sa mga kalat at campaign materials na naiwan sa katatapos lamang na 2025 Midterm National and Local Elections.

Ayon sa Obispo, hindi karapat-dapat na ihalal ang mga opisyal na binabalewala ang kanilang pananagutan sa pagsasaayos at paglilinis sa komunidad mula sa mga kalat na dulot ng kanilang iba’t ibang campaign materials noong panahon ng halalan.

Paliwanag ni Bishop Uy, hindi maaaring asahan sa mas malalaking tungkulin sa pamahalaan ang mga opisyal na walang inisyatibo at sariling pananagutan maging sa maliliit na bagay.
“Leaders who fail to handle small responsibilities, such as the proper disposal of their campaign tarpaulins, cannot be expected to manage greater duties. They do not deserve our votes again.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Uy.

Una na ngang binigyang diin ng Obispo na kaakibat ng patuloy na paninindigan ng Simbahan para sa pangangalaga sa kalikasan ang pagsusulong ng malinis at responsableng pamamahala sa bansa.
Kaugnay nito batay sa tala ng environment watchdog na Ecowaste Coalition, noong 2016 national elections umabot sa 206 na toneladang basura ang nakolekta, nasa 200 toneladang basura naman noong 2019 midterm elections habang noong 2022 national elections ay tumaas ito ng halos 20% na umabot sa 254 na toneladang basura.

Samantala sa pinakahuling tala ng Commission on Elections (COMELEC) sa Kalakhang Maynila batay sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), umaabot na sa mahigit 64.5 metriko tonelada ng basura ang nakolekta sa National Capital Region pa lamang mula noong araw ng halalan na kinabibilangan ng iba’t ibang campaign materials na ginamit sa pangangampanya ng mga kandidato sa nakalipas na eleksyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 36,602 total reads

 36,602 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 71,277 total reads

 71,277 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 100,444 total reads

 100,444 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 136,926 total reads

 136,926 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 152,931 total reads

 152,931 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top