Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,349 total views

Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 5:5-7, kinasusuklaman ng Diyos ang mga mamamatay-tao, manlilinlang, at sinungaling. Ang ating Panginoon ay Diyos ng katotohanan at katarungan. Hindi Niya nais na tayo ay mabuhay sa panganib ng kasinungalingan at karahasan. Buhay ang nais ng Diyos sa atin, ngunit sa ating pulitika ngayon, lantaran pa rin ang karahasan–kahit na sa pananalita lamang.

Itanggi man ng mga pulitiko, mahalaga ang resulta ng nakaraang eleksyon dahil ito ang magdidikta sa gaganaping impeachment trial na kakaharapin ni Vice President Sara Duterte. Malaki ang magiging epekto ng nakaraang eleksyon dahil nakasalalay sa mga senador kung siya ba ay mako-convict o maa-acquit sa mga kasong kinahaharap niya. Sa isang panayam matapos ang halalan, sinabi ng bise na nais niyang matuloy ang impeachment trial. Gusto raw niya ng isang “bloodbath” o pagdanak ng dugo sa kanyang paglilitis. Itinuturing niya ring isang “glorified disqualification case” o isang pinagandang paraan para hindi siya makatakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.

Hindi ikinatuwa ng Palasyo at ng mga mambabatas na magiging bahagi ng prosecution panel ang pahayag ni VP Sara. Sabi ni Atty Claire Castro, tagapagsalita ng Palasyo, “may pagkabayolente ang tugon ng ating bise presidente.” “We hope it’s just a figure of speech and it should not be taken literally,” dagdag pa niya. Sana nga. Nagpahayag din ng pagkadismaya si Mamamayang Liberal Partylist Representative-elect Leila de Lima, na magsisilbing isa sa mga prosecutors sa kaso. Iginiit niyang ang impeachment trial ay isang mahalagang proseso ng accountability na nakabatay sa ating Saligang Batas.

Ang “bloodbath” na sinabi ng bise presidente ay isang uri ng pahayag na hindi katanggap-tanggap lalo na kung ito ay nangungunsinti sa mali o karumal-dumal na gawain. Hindi rin ito dapat nanggagaling sa isang mataas na opisyal ng bansa. Ang impeachment ay isang mekanismo ng pagpapanagot (o accountability), at nakaugat ito sa pagkakaroon ng kapayapaan at katarungan sa ilalim ng batas.

Sa ating kasaysayan, mataas ang pagtingin natin sa mga mekanismo ng accountability dahil sa mga paraang ito, naitutuwid ang mga tiwaling gawain ng mga opisyal. Ang impeachment trial kay dating Pangulong Joseph Estrada noong 2001 ay nagpanagot sa kanyang pagnanakaw sa pondo ng bayan. Ang makasaysayang EDSA People Power I naman na nagpatalsik sa rehimeng Marcos Sr noong 1986 ay isang pag-aaklas laban sa pandaraya at panlilinlang ng dating diktador.

Sumasang-ayon ang panlipunang turo ng Simbahan sa kahalagahan ng batas sa isang demokratikong pamahalaan. Mahalaga para sa Simbahan na mapanagot ang mga opisyal dahil ang kanilang pagkahalal ay hindi para sa kanilang mga pansariling interes o mga ideyolohiya. Ang layunin ng isang demokrasyang katulad ng Pilipinas ay ang pagpapairal ng batas, katarungan, kapayapaan, at partisipasyon. Ang hindi pagsasakatuparan ng layuning ito ay nagiging hadlang sa pagyabong ng mga mamamayan.

Sa yugtong ito ng ating bansa, napakahalagang tingnan ang ating mga batas hindi lamang bilang mga mekanismo ng pagpapanagot, kundi mga paalala sa ating mga opisyal ng kanilang sagradong tungkulin sa ating mga Pilipino. Tungkulin nilang panatilihin ang kaayusan at paigtingin ang kaunlaran, hindi ang paghahasik ng lagim at karahasan. Sa kaso ng bise presidente, ang impeachment trial ay isang paalala sa kanya na batas ang nananaig sa ating bansa, hindi ang pansarili o pulitikal na interes. Sa ating mamamayan, paalala rin ang paglilitis na tayo rin ang nahihirapan kapag ang ating mga pinipiling lider ay marahas.

Mga Kapanalig, tumugon tayo sa paanyaya ng Diyos na itakwil ang karahasan at pairalin ang dignidad ng buhay at kapayapaan sa ating bansa, dahil, gaya ng mababasa sa Juan 10:10, nais niya tayong “magkaroon ng buhay, at buhay na masaganang lubos.”

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 49,852 total views

 49,852 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 45,721 total views

 45,721 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 81,923 total views

 81,923 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,561 total views

 90,561 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 115,672 total views

 115,672 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT BIGO ANG K-12?

 49,853 total views

 49,853 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 45,722 total views

 45,722 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 81,924 total views

 81,924 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,562 total views

 90,562 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »
Scroll to Top