Bishop-emeritus Cariño, naihatid na sa huling hantungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 814 total reads

Naihatid na sa huling hantungan si Legazpi Bishop-emeritus Nestor Cariño sa St. Gregory the Great Cathedral sa Legazpi City, Albay.

Pinangunahan ni Legazpi Bishop Joel Baylon ang Misa ng Paglilibing, kasama sina Auxiliary Bishop-emeritus Lucilo Quiambao, Borongan Bishop Crispin Varquez, at mga pari mula sa iba’t ibang diyosesis sa Bicol Region.

Sa pagninilay, ibinahagi ni Bishop Baylon ang kanyang karanasan nang makiusap sa kaniya si Bishop Cariño, na noo’y secretary general ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, upang magsilbing assistant secretary general sa loob ng dalawang taon.

“I am deeply grateful to him for, first, believing in me… I was happy to have this special experience of serving the bishops of the Philippines. Indeed, that is what I am grateful to Bishop Cariño for–he allowed me to experience the running of this conference of the princes of the church of the Philippines,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Baylon.

Kinilala rin ng obispo ang naging pamamahala ni Bishop Cariño bilang ikalimang pastol ng Diyosesis ng Legazpi, kung saan ipinakita nito ang pagpapahalaga sa kanyang kawan lalo na sa mga pari.

Sa loob ng dalawang taong pagpapastol, inilunsad ni Bishop Cariño ang Diocesan Stewardship Program–isang inisyatibong nakatuon sa kalusugan at pangangailangang pastoral ng mga pari sa diyosesis.

“We appreciate the fact that he was the one who initiated and sustained, fostered this diocesan stewerdship program. A program that allowed priests to take care of themselves, to contribute to their hospitalization and other needs, aside from being pastors of their parishes,” ayon kay Bishop Baylon.

Pumanaw si Bishop Cariño noong Mayo 24, 2025 sa edad na 86, matapos ang ilang araw na pananatili sa Intensive Care Unit ng Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Isinilang siya noong Setyembre 8, 1938 sa Malinao, Albay; naordinahan bilang pari noong Disyembre 31, 1961; itinalaga ni Pope Paul VI bilang auxiliary bishop ng Diyosesis ng Legazpi noong Marso 9, 1978; at inordinahan bilang obispo noong Mayo 31 ng kaparehong taon.

Hinirang naman siya ni Pope John Paul II bilang ikaapat na obispo ng Diyosesis ng Borongan, Eastern Samar noong Agosto 12, 1980 hanggang Enero 31, 1986, bago mahalal na secretary-general ng CBCP.

Taong 2001, habang kasalukuyang naglilingkod sa CBCP, hiniling ng noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin na pangasiwaan ni Bishop Cariño ang Ecclesiastical District of Pasig, bago ito opisyal na naging diyosesis noong 2003.

Muling itinalaga ni Pope John Paul II si Bishop Cariño noong Hunyo 11, 2003 bilang auxiliary bishop ng Diyosesis ng Daet, Camarines Norte, at noong Abril 1, 2005 naman ay hinirang bilang ikalimang obispo ng Diyosesis ng Legazpi.

Noong Nobyembre 7, 2007, tinanggap ni Pope Benedict XVI ang pagreretiro ni Bishop Cariño sa edad na 69 dahil sa mga umiiral na karamdaman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 65,350 total reads

 65,350 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 97,942 total reads

 97,942 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 199,768 total reads

 199,768 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 240,326 total reads

 240,326 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 258,115 total reads

 258,115 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 136,809 total reads

 136,809 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top