Tumataas na kaso ng HIV, ikinababahala ni Bishop Florencio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,994 total reads

Nanawagan ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga kabataan na huwag matakot humingi ng tulong at sumailalim sa pagsusuri dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV/AIDS sa bansa.

Ito ang panawagan ni Bishop Oscar Jaime Florencio, Vice Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, kaugnay sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng naturang sakit.

Nababahala rin ang obispo sa pagtaas ng kaso, kung saan marami sa mga pasyente ang hindi maagang nagpapakonsulta para maagagapan ang karamdaman.

“Actually. we know that already (I mean the HIV/AIDS rise), as reported to us. But the problem is that these people don’t come out in the open because of the stigma or shame that they have this HIV/AIDS,” pahayag ni Bishop Florencio.

Aminado rin ang CBCP Health Care Ministry na may mga nauna na silang isinagawang interbensyon upang matulungan ang mga may HIV/AIDS, ngunit hindi ito naging sapat upang mapigil ang pagkalat ng sakit.

Sinabi ng obispo na kailangang mas paigtingin pa ang kampanya at tuloy-tuloy na pagkilos upang maabot ang mas maraming nangangailangan.

“We have already made some interventions, but to no avail. Perhaps we need more to continue our crusade so we can at least stop this malady,” ayon pa kay Bishop Florencio.

Nanawagan din si Bishop Florencio sa mga kabataan na huwag matakot lumapit at tanggapin ang mga programang tulong na iniaalok ng simbahan.

“I hope this message goes clear to our young people: Don’t be afraid to come out and avail of the intervention that the episcopal commission on health care is doing. We know that you are part of the Church we serve and love. We want to reach out and be cured,” dagdag pa ng obispo.

Batay sa ulat ng Department of Health (DOH), umabot na sa 148,831 ang naitalang kaso ng HIV mula noong 1984 hanggang Marso 2025. Sa unang tatlong buwan ng taon, naitala ang 5,101 bagong kaso, na may average na 57 kaso kada araw. Sa tala, pinakaapektado ang mga kalalakihang may edad 15 hanggang 34.

Dahil sa tumataas na bilang ng kaso, nanawagan ang DOH sa publiko na magpakonsulta at sumailalim sa pagsusuri upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Ayon sa DOH, ang agarang pagtugon ay mahalaga upang maprotektahan ang kalusugan ng bawat isa at ng buong komunidad.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 14,776 total reads

 14,776 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 14,903 total reads

 14,903 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 26,773 total reads

 26,773 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 83,179 total reads

 83,179 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 206,680 total reads

 206,680 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 290,726 total reads

 290,726 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 14,777 total reads

 14,777 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 14,904 total reads

 14,904 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »
Scroll to Top