Kalayaan ng mga Pilipino sa paniniil ng kapwa, panalangin ni Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,317 total reads

Isinusulong ni Vicariate of Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang ikakabuti ng mga Pilipino, higit na ang kapakanan ng pinakamahihirap na sektor sa bansa.

Sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng ika-127 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, pinuno ng Obispo na bukod sa mga banyagang umaangkin sa teritoryo ng Pilipinas, nararansan din ng mga Pilipino ang paniniil mula mismo sa mga kapwa nilang Pilipino na naninilbihan sa pamahalaan.

“Ipagdiriwang na po natin ang 127th Independence natin dito sa Pilipinas, ito po ay isang magandang okasyon upang pagnilayan po natin ang ating kasarinlan, ang ating independence, noon po ang pinaglalaban natin ang ating independence laban sa mga dayuhan, laban po sa mga Espanyol, sa mga Amerikano, Sa mga Hapones,” ayon sa panayaman ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Pinuna ni Bishop Pabillo na ang mga lider ng pamahalaan ang nagiging ugat ng paghihirap ng mga Pilipino dahil sa pagpapahintulot sa mga proyektong makakasira sa kalikasan at kabuhayan ng mga mangingisda, magsasaka at katutubo sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas.

Ayon sa Obispo, bukod pa rito ang patuloy na pananamantala ng mga opisyal ng gobyerno sa kahinaan ng mga Pilipino gayundin ang pagpapatupad ng mga polisiya na anti-poor.

Ipinagdarasal naman ng Obispo na sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ay magising ang kamalayan ng mga Pilipino upang mag-alab ang pakikibaka at makamit ang tunay na kalayaan sa pamamagitan ng pagkakaisa.

“Ngayon po ang kalaban po ng ating independence ay ang sariling bayan po natin, ang mga namumuno po sa atin na na hindi nagbibigay ng kasarinlan sa karamihan ng mga tao, sila po yung nagpapahirap sa mga tao, yung mga pulitiko po natin na hindi nagbabahagi, sila po yung naninira ng kalikasan kaya nga ang mga mahihirap, mangingisda, mga magsasaka, mga katutubo ay hindi nagkakaroon ng maayos na kabuhayan,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Ngayong taon, itinalaga ng pamahalaan ang pagdiriwang sa 127th Independence Day sa temang ‘Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan,’.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 30,001 total reads

 30,001 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 66,866 total reads

 66,866 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 85,077 total reads

 85,077 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 169,405 total reads

 169,405 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 205,402 total reads

 205,402 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 20,850 total reads

 20,850 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top