Tunay na kalayaan hindi lamang pangpolitika at pang-ekonomiya kundi pang-espiritwal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,254 total views

Naniniwala si Tagbilaran Bishop Alberto Uy na ang tunay na kalayaan ay hindi lamang kalayaang pampulitika at pang-ekonomiya kundi maging kalayaang pang-espiritwal.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Bishop Uy kaugnay sa paggunita ng ika-127 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas kung saan binigyang pagkilala rin ng Obispo ang kabayanihan at katapangan ng mga Pilipinong nagsakripisyo para sa kasarinlan ng bansa.

Pagbabahagi ng Obispo, kabilang sa dapat na isulong sa lipunan ang kalayaang nagmumula sa Panginoon na nagdudulot ng ganap na kalayaan mula sa kasalanan, takot, pangamba, galit at iba pang sitwasyong nagpapahirap sa bawat indibidwal.

“As we celebrate the 127th anniversary of Philippine Independence, we honor the courage and sacrifice of those who fought for our nation’s freedom. But as Christians, we are also reminded that the deepest kind of freedom is not just political or economic. It is spiritual. True freedom is the freedom that comes from God—freedom from sin, fear, hatred, and all that enslaves the human heart.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Uy.

Binigyang diin naman ni Bishop Uy na dapat na magsimula sa sarili ang tunay na pagbabago, kalayaan at kaunlaran na ninanais ng bawat isa para sa bansa sa halip na hintayin itong magmula sa iba o sa kapwa.

Paliwanag ng Obispo, kung nais ng bawat isa ang bansa kung saan umiiral ang katotohanan at habag ay dapat ring ang bawat isa ay maging mamamayang makatotohanan at mahabagin.

“We cannot wait for change to come from the top, or from others. Real change begins with ourselves. If we want a better Philippines, we must start by becoming better Filipinos. If we want a nation of truth and compassion, we must be people of truth and compassion.” Dagdag pa ni Bishop Uy.

Kabilang naman sa mga tinukoy ni Bishop Uy na sitwasyon na nagpapahirap at sumisiil sa kalayaan ng mga Pilipino ang iba’t ibang uri ng katiwalian sa lipunan na nag-aalis ng dignidad at katarungan mula sa taumbayan; ang hindi patas na pag-iral ng batas sa mga mahihirap at mayaman; ang kahirapang pang-ekonomiya na kinahaharap ng mga simpleng mamamayan.

Pinuna rin ng Obispo ang patuloy na pag-iral ng karahasan at pagkalolong sa ipinagbabawal na gamot ng ilang mamamayan; ang patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV-AIDS sa mga kabataan; ang paglaganap ng mga dumaranas ng mental health struggles sa lipunan; at ang paglaganap ng mga maling impormasyon, disinformation, misinformation at fake news na dulot ng pag-iral ng Artificial Intelligence and digital manipulation sa kasalukuyang panahon.

Binigyang diin naman ni Bishop Uy na mahalagang ipanalangin ang patuloy na paggabay ng Panginoon upang tuwinang malagpasan ng bansa ang mga kinahaharap nitong suliraning panlipunan hindi lamang sa usaping pambansa kundi maging sa kalagayang pang-espiritwal ng bawat mamamayan.

Tema ng ika-127 na Araw ng Kalayaan ngayong taong 2025 ang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan” na layuning isulong ang pagbabalik-tanaw ng bawat mamamayan sa kasaysayan ng bansa bilang gabay at aral sa kinabukasan ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 37,256 total views

 37,256 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 43,385 total views

 43,385 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 73,527 total views

 73,527 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 93,308 total views

 93,308 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 112,596 total views

 112,596 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

No one is above the law-Bishop Bagaforo

 8,057 total views

 8,057 total views Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pananagutan at patas na pagpapatupad ng batas kaugnay ng mga

Read More »

Pope Leo XIV, pinuri ng SCMP

 7,962 total views

 7,962 total views Naglabas ng pahayag ang Student Christian Movement of the Philippines kaugnay sa unang encyclical ni Pope Leo XIV na “Magnifica Humanitas,” kung saan

Read More »
Scroll to Top