Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,902 total reads

The Blessed Sacrament contained in a gold monstrance. photo by lisa johnston

Homiliya para sa Kapistahan ni San Antonio de Padua, 13 Hunyo 2025, 2 Cor 4:7-15, Mat 5:27-32

Noon huling pyesta na nagmisa ako dito, ang ebanghelyo ang tinutukan ko ng pagninilay. Ngayon naman, ang unang pagbasa ang gusto kong tutukan. Isa ito sa mga paborito ko sa mga sulat ni San Pablo na katukayo ko. Ang tungkol sa Espiritu Santo bilang kayamanang ating taglay sa kabila ng ating pagiging mistulang marupok na palayok.

May kwento akong narinig tungkol sa isang parokya na may Adoration Chapel, at doon sa may entrada nito, ang linyang narinig natin kay San Pablo ay nakasulat: “May kayamanan tayong taglay sa marupok na palayok…”.

Minsan isang umaga, naligalig ang buong parokya nang mabalitaan na pinasok diumano ng magnanakaw ang nasabing Adoration chapel. Naintriga siguro siya sa nakasulat na kasabihan sa may entrada nito tungkol sa “kayamanang nasa marupok na palayok” at natukso siyang pasukin ang kapilya para nakawin ito. Nagtakbuhan daw ang mga parokyanong nagsisimba, kasama ang kura, nang ibalita ng sakristan na nakita niya ang wasak na bintana ng kapilya kung saan pumasok diumano ang magnanakaw. Naroon kasi sa loob ang Santisimo sa isang tabernakulong salamin na nakakandado pero nabuksan din, at nawawala ang gintong monstrance na lalagyan ng Santisimo Sakramento (ang konsagradong ostia na ating sinasamba bilang katawan ni Kristo). Siyempre, alalang-alala ang pari na baka nalapastangan ang Santisimo. Pero laking gulat niya: nawawala nga ang gintong lalagyan, pero ang konsagradong ostia, naroon sa ibabaw ng altar. Siguro nang mailabas na ng magnanakaw mula sa tabernakulong salamin ang monstrance, binuksan niya ito para alamin kong ano ba ang nilalaman, kung ano ba itong “kayamanang” sinasamba ng mga parokyano. Nang makita niyang kapirasong manipis na tinapay lang pala ang laman nito, iniwan niya sa ibabaw ng altar. Sabi ng pari, “Good news. Narito ang Santisimo. Tinangay ng magnanakaw ang lalagyan, iniwan niya ang kayamanan.”

Ito ang ating palaisipan sa araw na ito ng pyesta ng ating patron na si San Antonio ng Lisbon Portugal, na mas kilala bilang “San Antonio de Padua”, ang sikat na Franciscanong naakit sa kayamanang alok ni Kristo sa kanyang mga alagad na siyang dahilan kung bakit tinalikuran niya ang kapangyarihan, karangyaan, at katanyagan katulad ng ginawa ni San Francisco. Hanggang ngayon, manghang-mangha pa rin ang maraming mga tao sa mga naglalakihang katedral at mga kandelabra at mga kalis at siboryong ginto at pilak ng simbahang katolika. Akala nila iyun na ang tinuturing na kayamanan ng simbahan. Hindi natin sila masisisi sa kanilang kamangmangan, dahil madali talagang malinlang ang tao o mabudol sa mga kayamanang tumataginting at lumilipas. Ang pagiging Kristiyano ay may kinalaman sa paghahanap sa “ibang klaseng kayamanan”—pananampalataya, pag-asa at pag-ibig na bunga ng Espiritu Santong kaloob sa atin ni Hesukristo.

Di ba sinabi ni Hesus minsan: “Hangarin ninyo ang kayamanang makalangit na hindi mabubulok, at hindi aamagin o kakalawangin , kayamanang hindi kayang agawin at nakawin sa inyo.”

Ito daw ang dahilan kung bakit “kahit tayo gipitin hindi tayo malulupig, kahit tayo maguluhan, hindi tayo mawawalan ng pag-asa, kahit tayo malagay sa bingit ng kamatayan taglay pa rin natin sa ating marupok na katawan ang buhay ni Hesus dahil sa Espiritung ating sinasampalatayanan. Na siya pala ang nagkakaloob sa atin ng biyayang “siksik, liglig at umaapaw,” kaya abot-abot ang ating pasasalamat.

Nasabi ko na noon sa inyo na si San Antonio ang patron ng mga may hinahanap na nawawala sa kanila. Totoo iyon, pero hindi lang literal. Mas siryoso kaysa mawalan ng ari-arian ang mawalan ng katinuan, mawalan ng dangal, mawalan ng prinsipyo, mawalan ng paninindigan sa buhay. Di ba sinabi rin ni Hesus, “Ano ang mapapala ng tao, makamtan man niya ang buong mundo ngunit mawala naman ang kanyang kaluluwa?

Mga kapatid, akayin natin ang isa’t isa. Huwag tayong magpabudol sa mga mapanlinlang, huwag tayong magpatukso sa kayamanang lumilipas. Tulungan natin ang mga nawawalan, pati na rin ang mga nagwawala, na mahagilap at muling matagpuan ang “tanging yaman” na laging naghihintay sa atin ngunit di natin lubusan masumpungan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 76,990 total reads

 76,990 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 111,735 total reads

 111,735 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 147,035 total reads

 147,035 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 373,304 total reads

 373,304 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 262,532 total reads

 262,532 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 14,228 total reads

 14,228 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 19,873 total reads

 19,873 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 19,141 total reads

 19,141 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »
Scroll to Top