Ituloy ang pilgrimage of hope, hamon ng Obispo sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,210 total reads

Umaasa ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na nagdulot ng pagpanibago sa mga kabataan ang National Youth Day.

Ayon kay Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, Chairperson ng CBCP Episcopal Commission on Youth nawa’y sa pagbalik ng mga delegado sa kani-kanilang lugar ay maisabuhay at maibahagi ang mga bunga at aral sa pagtitipon ng mga kabataan.

Tinuran ng arsobispo na ang NYD ay isang paglalakbay kasama si Hesus na gumagabay at nagpapaningas sa pag-asa ng tao.

“As you move on, go home and return, may you bring that renewed spirit, may your encounter with Jesus transform you and may they see that little transformation that has happened in you and may you be an instrument of transformation in your families, communities and society,” pahayag ni Archbishop Alarcon sa Radio Veritas.

Batid ni Archbishop Alarcon ang pag-asa sa 8, 000 NYD delegates ayon na rin sa tema ng pagtitipon na ‘Rejoice in hope, endure in affliction, persevere in prayer.

Aniya napapanahong mapag-alab ang pag-asa ng tao lalo ngayong ipinagdiriwang ng Jubilee Year ng simbahan na nakatuon sa Pilgrims of Hope lalo’t patuloy ang pagbangon ng mumdo sa epekto ng pandemya at iba pang krisis.

“Let us continue this pilgrimage of hope, let us bring this joy which our world needs today, and many of our friends, members of our family, coworkers, they need the hope. We are pilgrims of hope let us bring back undying hope, courage, and perseverance,” dagdag ni Archbishop Alarcon.

Pinasalamatan ng arsobispo ang mga kabataang delegado na tumugon sa paanyayang magbuklod gayundin sa mga nangasiwang matagumpay na naisakatuparan ang NYD Caceres 2025 kabilang na ang Commission on Youth, foster families and parishes na kumanlong sa mga delegado.

Kabilang sa mga limang araw na gawain ang formation, growth session, workshops at community exposure na nagbigay pagkakataon sa mga delegado na makasalumuha ang iba’t ibang sektor ng Bicol.

Samantala pinangunahan ni Caceres Archbishop Emeritus Rolando Tria Tirona ang closing mass sa Our Lady of Peñafrancia Minor Basilica and National Shrine kasama sina Archbishop Alarcon, Antique Bishop Marvyn Maceda, Virac Bishop Luisito Occiano at mga pari ng arkidiyosesis gayundin ang Youth Directors ng mga diyosesis sa bansa.

Inanunsyo naman ni Archbishop Alarcon ang National Conference for Youth Ministers sa 2026 na isasagawa sa Diocese of Kidapawan habang National Youth Day sa 2028 sa Archdiocese of Cagayan de Oro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 78,292 total reads

 78,292 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 112,943 total reads

 112,943 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 148,243 total reads

 148,243 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 374,512 total reads

 374,512 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 263,687 total reads

 263,687 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top